Daily Tribune (Philippines)

PBBM BIBIYAHENG VIETNAM

- Ni Sebastian Navarro

Tutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Vietnam sa susunod na linggo para sa isang state visit na may layong talakayin ang isyu sa agricultur­al cooperatio­n, trade, at ilang mahahalaga­ng regional and internatio­nal issues.

Ayon kay Department of Foreign Affairs spokespers­on Ma. Teresita Daza, kasama ng Pangulo si First Lady Liza Marcos, ang economic team at ilang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Nitong nakaraan kasi ay naimbitaha­n ni Vietnamese President Vo Van Thuong ang Pangulo na siyang magiging unang biyahe nito sa nasabing bansa simula noong umupo ito sa puwesto noong 2022.

Makikipagp­ulong rin umano si Marcos sa mga lider ng Vietnam gaya nina Vietnamese Prime Minister Pham Minch Chinh at Vietnamese National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue kung saan inaasahang tatalakayi­n ang pagpapalak­as ng relasyon at pagpapalal­im ng kooperasyo­n ng Pilipinas at Vietnam.

Nakatakda din makipagpul­ong ang Pangulo sa Filipino community sa Vietnam kung saan tinatayang umaabot sa 7,000 na mga nagtatraba­ho at naniniraha­n sa Vietnam.

Samantala, inihayag naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau ng DFA Office of the Asian and Pacific Affairs na magkakaroo­n ng malalimang pag-uusap ang Pangulo sa agricultur­al cooperatio­n sa Vietnam.

Ayon kay Rau, mahalaga ang nasabing state visit ng Pangulo para bigyang diin ang kahalagaha­n ng ASEAN centrality.

Ang Vietnam ang sole strategic partner ng Pilipinas sa ASEAN region.

Ibinahagi rin ni Rau na target ng Pilipinas at Vietnam na mapalawak ang mapalawak ang halaga ng kanilang bilateral trade sa $10 billion sa mga susunod na taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines