Daily Tribune (Philippines)

ISA NA LANG PARA SA BEERMEN

- Ni ENM

Kinailanga­n ng San Miguel Beer nang isang matinding endgame performanc­e upang pataubin ang sister-team nitong Barangay Ginebra, 106-96 sa Game 2 ng PBA Commission­er’s Cup semifinals sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Beermen – na ngayon ay 2-0 na sa kanilang best-of-five semis duel -- upang pabagsakin ang crowd-favorite na Gin Kings at ang Game 3 ay gaganapin rin sa Mall of Asia Arena.

Sumandal ang San Miguel sa mga maiinit na performanc­es nina Marcio Lassiter at import Bennie Boatwright sa huling yugto ng laro.

Naibuslo ni Lassiter ang isang three-pointer upang maglatag ng 94-88 na kalamangan subalit binawi naman agad ito ni Ginebra stalwart Jaime Malonzo ng isa ring threepoint­er.

Si Boatwright naman, hindi masyadong natinag sa depensa ni Ginebra import Tony Bishop at tumirada upang maitatag ang 99-93 na lamang sa huling 1:49 ng laro.

Nasundan naman ito ng two free throws muka kay Lassiter mula sa isang Bishop foul habang hinati naman ni June Mar Fajardo ang kanyang freebies upang itayo ang 102-95 na lamang.

Hindi na muling lumingon pa ang Beermen pagkatapos nito.

Kumamada si Boatwright ng 38 points, nine rebounds at two assists habang si Fajardo at CJ Perez naman ay nag-ambag ng 17 puntos.

Nasungkit rin ni Fajardo ang 14 rebounds at career-high na anim na blocks.

Si Lassiter naman ay nagtapos sa 16 points mula sa pinakawala­n nitong apat na triples.

Pinangunah­an naman ni Bishop ang Ginebra na may 25 points, nine rebounds, one assist, and one steal habang nagdagdag naman si Malonzo ng 27 points, eight rebounds, four assists, two steals at isang block.

Ang iskor:

San Miguel (106) – Boatwright 38, Perez 17, Fajardo 17, Lassiter 16, Teng 7, Trollano 5, Cruz 4, Tautuaa 2, Brondial 0, Ross 0, Enciso 0.

Ginebra (96) – Malonzo 27, Bishop 25, Ahanmisi 13, Thompson 9, Standhardi­nger 9, Pringle 6, Pinto 5, J.Aguilar 2, Tenorio 0.

Quartersco­res: 23-21, 43-46, 7674, 106-96.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines