Daily Tribune (Philippines)

BABAENG SALISI NATIKLO

- Ni Sebastian Navarro

Naaresto ang isang babae ng mga otoridad matapos umanong manalisi ng higit P80,000 na halaga ng gadgets kasama na ang laptop at tablet sa dalawang estudyante sa Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang babaeng nag-oobserba paligid ng fast food chain at nang makitang walang nagbabanta­y sa mga gamit na nakapatong sa mga upuan ng kanyang target, dinampot niya ang dalawang bag at dali-daling lumabas.

Sa isang anggulo ng CCTV, kita na nagmamadal­ing naglakad paalis sa fast food chain ang suspect.

Batay sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nakuha ang black shoulder bag na may laptop na may halagang P51,000, isang passport, at mga school supplies.

Isang backpack naman na nagkakahal­aga ng P5,000 ang nakuha sa isa pang biktima na may lamang iPad na may halagang P30,000, cash na P500, at mga school supplies.

Sa isinagawan­g follow-up operation ng Theft and Robbery Section at tracker team ng Crime Investigat­ion Section ng Manila Police District, nahuli ang suspect nitong Sabado ng gabi malapit lang sa mga fast food chain kung saan ginawa ang krimen, sa Barangay 647 sa Maynila.

Paliwanag ni PEMS Laurencio Bernardo, deputy chief investigat­or ng Barbosa Police Station, nagoorder ang mga biktima sa fast food chain nang masalisiha­n. Hindi naman umano ito ang unang beses na ginawa ito ng suspect.

Dagdag ni Bernardo, ginawa pa ito ng suspect sa isa namang fast food chain pero wala siyang nakuhang gadget.

“Nag-conduct kami ng follow-up operation at nagtanim kami ng mga operatiba doon at nagpanggap na customer,” sabi ni Bernardo. “Sa area namin, nagsunod-sunod siya (salisi). Hindi ko lang alam sa ibang area… magkasunod.”

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang mga biktima.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines