Daily Tribune (Philippines)

HERLENE BUDOL NAWINDANG

- Ni Cheriel lazo

Aminado ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol na nawindang siya noong malamang makakasama siya sa seryeng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinagbibid­ahan ni Senador Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Kuwento ng dalaga, nalaman niya na mapapabila­ng siya sa cast ng programa nang um-attend siya sa 57th birthday celebratio­n ni Sen. Bong na ginanap noong September 25, 2023.

“Actually, nu’ng birthday ho ni Senator Bong, nagulat ho ako, invited ako. Akala ko ho, hindi niya ako kilala,” sabi ni Herlene. “Pumunta po ako sa hotel, bawal nga daw ho magsama ng iba. Sabi ko, hala, ang gaganda ng mga sasakyan tapos ako, pagbaba ko, inasar pa nga ako, akala nila Grab tapos ako yung nagda-drive. Nagpa-valet naman ako. May budget ako pang-valet (parking). Pero pagpasok ko (sa venue ng party) nagulat ako. Parang ako lang yung bagong mukha para sa kanila.”

“Sila, parang matatagal na sa industriya. Nandoon sina Manny Pacquiao. Nagulat ako, talagang nagpapictu­re ako sa lahat. Nag-attendance ako sa lahat ng tao na nandoon kaya nagpapasal­amat ako. Kasi sobrang, parang first time ko na nag-attend ng birthday na may ganoong eksena. Grabe, parang concert. Ganoon po yung pakiramdam,” dagdag niya.

Sabi pa niya kay Bong, “Hindi pa pala ako nakapagpap­asalamat kaya maraming-maraming salamat. Tapos talagang kinilig ako dahil sinabi niya na ‘magkakatra­baho tayo’ kaya tuwangtuwa po ako noong mag-first taping po ako. Ganoon din po kay Miss Beauty noong nagkita kami sa GMA Gala. Sobrang kalog niya ho.”

“Akala ko mababahuan siya sa hininga ko kasi grabe siyang mag-beso. Alam mo yung beso niya? Parang nilanghap niya lahat ng hininga ko nang gabing yon. Siyempre, medyo nakainom na ho ako noon. Sabi ko, ‘Hala baka may masabi siya sa hininga ko!” dagdag niya.

Hindi raw niya ine-expect na mabibigyan siya ng chance na makatrabah­o ang mga artistang pinapanood lang niya noon tulad ni Beauty.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines