Daily Tribune (Philippines)

TURO-TURO NA LANG

-

Masyado palang inabuso ang ating mga pampubliko­ng guro dahil hindi lang pagtuturo ang ipanatatra­baho sa kanila ng Department of Education. Binigyan rin sila ng mga tungkuling wala namang kaugnayan sa pagtuturo at maraming taon nilang pinasan ang dagdag na trabahong ito. Mabuti na lamang at nasilip ang anomalyang ito ni Kalihim Sara Duterte at nabigyan sila ng lunas.

Inutusan ni Duterte nitong Biyernes ang lahat ng mga pinuno ng paaralang nasasakupa­n ng DepEd na tanggalin na ang mga tungkuling inatas sa mga guro katulad ng pamamahala ng mga kawani ng paaralan, pangangala­ga sa mga ariarian at pasilidad ng mga paaralan, at pamamahala ng finance at talaan.

Ipinatangg­al rin ni Duterte ang pagsasagaw­a o pamamahala nila sa mga pagpapakai­n ng mga estudyante, paggawa ng plano para sa pagbabawas ng panganib mula sa mga sakuna at iba pang programa.

Ayon kay Duterte, pagtuturo lamang ang dapat atupagin ng mga guro nang sa gayon ay nakapokus sila ng husto at mas maiging matuturuan ang mga estudyante.

Sinabi rin niya na ang mga tungkuling tinanggal sa mga guro ay dapat gawin ng mga pinuno ng mga paaralan at mga kawaning hindi nagtuturo.

Maaari namang kumuha ng tauhan ang mga paaralan upang gumawa ng mga tinanggal na mga tungkulin sa mga guro.

Napakadaki­la pala ang mga guro sa sandamakma­k na gawain nila kahit hindi naman nila toka ito. Matagal ring panahon nilang pinasan ang mga trabahong ito na kung bakit sa kanila ipinasa.

May tatlong buwan na ibinigay si Duterte sa mga pinuno ng paaralan na ilipat sa kanila, sa mga kawani o sa mga bagong tauhang kukunin ang mga administra­tive tasks ng mga guro.

Bagaman usong-uso ang multi-tasking sa mga trabahador, dapat ay may kaugnayan lamang sa pagtuturo ang ginagawa ng mga guro. Inaasahan na makaluluwa­g na sila ngayon ngunit kailangang manmanan ng DepEd kung susundin talaga ng mga prinsipal ang utos ni Duterte at tiyak na maipatupad ang utos sa lalong madaling panahon.

Mabuhay sa ating mga guro.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines