Daily Tribune (Philippines)

OFW NA MINAMALTRA­TO SA OMAN, NASAGIP

- Ni Kitoy Esguerra

Inihayag ng Armed Forces of the Philippine­s nitong nakaraan na hindi nito kailangang humingi pa ng pahintulot ang Pilipinas sa kahit sinong bansa upang makapagsag­awa ng misyon ang mga militar sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, walang obligasyon ang Pilipinas na magpaalam pa kung magasasaga­wa ito ng mga resupply missions sa mga bahagi ng West Philippine Sea.

Ang pahayag ni Trinidad ay kasunod nang pahayag ng China Coast Guard hinggil sa umano’y temporary special arrangemen­ts ng China sa Pilipinas hinggil sa rotation and resupply mission ng ating bansa sa mga tropang nakabase sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Giit ni Trinidad, ang isang routine activity ang ginagawang rotation and resupply mission ng AFP sa loob ng exclusive economic zone ng bansa na parehong ipinunto ni AFP Spokespers­on Col. Francel Margareth Padilla sa hiwalay na pahayag.

“The rotation and resupply mission is a routine activity of the AFP well within our EEZ. We need not ask for permission from any other foreign country on how to do our job in sustaining our forces deployed in the WPS,” saad ni Trinidad.

“Ang AFP po regular mission po natin ‘yan, so we keep saying that we’re really going to provide the morale and welfare needs of our troops to include those from LS-57. We don’t actually need any permission from any country for us to do so,” pagsegunda naman ni Padilla.

Kung matatandaa­n, kamakailan lang ay nagsagawa ng airdrop mission ang mga tauhan ng AFP Western Command sa Ayungin shoal para magpadala ng mga supply ng pagkain sa mga tropa sa BRP Sierra Madre.

Ito nga ay matapos na makaranas ng ilang technical difficulti­es ang barkong Unaizah Mae 1 mula sa pinakahuli­ng panghaharr­ass ng China Coast Guard na layunin sanang pigilan ang misyon ng AFP sa WPS.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines