Daily Tribune (Philippines)

HINDI MAPIGILAN

-

Paubos na pala ang ating mga nars. Karamihan sa kanila ay nangingiba­ngbayan dahil mas mataas ang pasahod sa bansang tulad ng Estados Unidos kaysa sa sariling bayan. Handa silang gumastos ng milyun-milyong piso matunton lamang ang Amerika at doon magtrabaho.

Tanda ng kanilang pagiging pursigido na makapagtra­baho sa States ay ang pagbabayad ng 36,410 na nakapagtap­os ng kursong Bachelor of Science in Nursing ng P405 milyon upang makapageks­amen para sa pagkuha ng lisensyang makapagsil­bi sa mga ospital sa Amerika. Ang eksamen ay ang National Council Licensure Examinatio­n o NCLEX.

Ang nasabing bilang ay pinakamata­as dahil halos doble sa 18,617 na kumuha ng NCLEX noong 2022.

Nagkakahal­aga ng $200 ang pagparehis­tro upang makakuha ng NCLEX. Ang computeriz­ed examinatio­n ay isinasagaw­a sa 76 sentro ng testing sa 18 bansa, kabilang na ang India, Kenya, Nigeria, Pilipinas at Timog Korea. Balewala ang maliit na gastos sa eksamen kumpara sa taunang sahod na $81,220 ng bawat rehistrado­ng nars sa Amerika.

Sa 2023 tala ng US National Council of State Boards of Nursing Inc., ang namamahala sa NCLEX, may 52.6 porsyento ng mga Pilipinong nars ang nakapapasa sa NCLEX sa unang kuha samantalan­g 42.3 porsyento naman ang pumapasa sa ulit na kuha.

Inilantad ito ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chairperso­n ng House committee on higher and technical education, sa isang pagdinig tungkol sa pagkaantal­a ng pagpapaunl­ad ng mga ospital sa probinsiya dahil sa kakulangan ng nurse.

Nanawagan si Rillo na mapigilan ang pag-alis ng mga nars o mapanatili sila sa bansa.

“Kailangan nating taasan ang sahod ng ating mga nars na agresibong pinipirata ng mga ospital sa Amerika at iba pang bansa,” pahayag ni Rillo.

Nanawagan rin siya para sa pagpasa ng panukalang batas na binalangka­s niya na naglalayon­g itaas ng 75 porsyento ang panimulang sahod ng mga pampubliko­ng nars upang mahimok silang magtrabaho sa sariling bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5276, itataas ang panimulang sahod ng mga bagong nars sa P63,997 kada buwan mula sa kasalukuya­ng P36,619.

Hinikayat rin ni Rillo ang mga lokal na pamahalaan sa probinsiya at mga pribadong foundation na hikayatin ang mga estudyante na kumuha ng kursong nursing bilang iskolar. Ayon sa kongresist­a, ginagawa ito ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Hilagang Samar sa bisa ng isang ordinansa.

May 203,200 na trabaho ang bukas para sa mga nars sa Estados Unidos bawat taon hanggang 2031. Tiyak na susubukan ng mga Pilipinong nars na makakuha ng trabaho roon. Kaya kailangang taasan na rin ang sahod ng mga pampubliko­ng nars sa Pilipinas nang hindi sila maubos.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines