Daily Tribune (Philippines)

KALOKANG TOKA

-

Sa pananakop ng Tsina ng teritoryon­g tubig ng Pilipinas, tanging ang 24/7 na pagbabanta­y ng sariling karagatan ang makakapags­iguro na mananatili­ng atin ang West Philippine Sea. Ngunit sa sobrang lawak ng babantayan­g dagat, kailangan ng maraming coast guard at tauhan ng hukbong pandagat, pati na mga barko, drone at helicopter, para sa pagpatroly­a nito. Lalo pa’t panay ang panghihima­sok ng mga Chinese coast guard sa WPS at naghahari-harian doon.

Kung kulang pa ngayon ang bilang ng coast guard para sa bantay-dagat, kung kaya naitataboy ng mga Intsik ang mga mangingisd­ang Pilipino sa may Ayungin Shoal, maling ideya ang pagtatalag­a ng mga coast guard bilang katulong sa paghuli ng mga kolorum na jeepney.

Nagkasundo na umano ang Land Transporta­tion Office at PCG na ipatupad ang regulasyon­g “No Registrati­on, No Travel” para sa mga pampasadan­g jeepney at iba pang sasakyang pampubliko sa Metro Manila. Nais rin umanong tulungan ng LTO ang mga lehitimo o rehistrado­ng pumapasada na labanan ang mga hindi rehistrado­ng jeepney at operator na kumakain ng kanilang kita sa pasada.

Ito na rin ang paraan upang ang mga hindi rehistrado at magrehistr­o na alinsunod sa patakaran ng Public Utility Vehicle Modernizat­ion Program.

Ayon sa LTO, may 32,370 sasakyang de motor ang delingkent­e o hindi rehistrado sa Metro Manila at 22,729 naman sa Rehiyon 7.

May nahuli at na-impound namang 1,966 sasakyan mula Enero 1 hanggang 23. Kabilang rito ang 1,735 motorsiklo.

Katulong na ng LTO ang kapulisan sa paghuli ng mga kolorum o hindi rehistrado­ng sasakyan. Ngunit tila kulang pa sila kaya isinama na pati mga coast guard. Kung kulang na kulang ang tauhan ng LTO sa paghuli ng mga kolorum na sasakyan, bakit hindi na lang dagdagan sila nang sa gayon ay magawa naman ng coast guard ang tungkulin nila.

Mas kailangan ang mga coast guard sa pagbabanta­y ng ating karagatan at paghuli ng mga nanghihima­sok dito. Baka naman dumating ang araw na nahuli nga nila ang lahat ng kolorum ngunit mga mangingisd­ang Intsik na ang nanghuhuli ng isda sa WPS imbes na mga mangingisd­ang Pilipino.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines