Daily Tribune (Philippines)

CONE UMAASA PA RIN KAY BROWNLEE

- Ni ENM

Umaasa pa rin si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na muling makakabali­k si Justin Brownlee at makakakuha ng green light upang maisama sa roster ng Gilas Pilipinas sa mga pangunahin­g internasyo­nal na torneo.

Sinabi ng 66-anyos na si Cone na nananatili siyang optimistic na magiging available si Brownlee sa pagharap nila sa Hong Kong sa Pebrero 22 at Chinese Taipei sa Pebrero 25 sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Si Brownlee ay nagsilbing tagapaglig­tas ng Gilas Pilipinas nang ibigay niya ito sa isang makasaysay­ang gintong medalya sa 19th Asian Games noong nakaraang taon.

Ngunit panandalia­n lang ang selebrasyo­n matapos siyang magpositib­o sa ipinagbaba­wal na substance na may kaugnayan sa cannabis. Bagama’t wala pang desisyon ang Internatio­nal Basketball Federation, pinili ng 35-anyos na si Brownlee na manatili sa United States at hindi nakapasok sa Philippine Basketball Associatio­n Commission­er’s Cup.

Sinabi ni Cone na inaasahan nilang lalabas ang desisyon ng FIBA sa lalong madaling panahon.

“We’re hoping their (FIBA) decision will come down sometime this week and that it will hopefully free him up for the window on the 22nd,” saad ni Cone. “Justin Brownlee’s going to be our naturalize­d player if everything works out with FIBA.”

Bukod kay Brownlee, bahagi rin ng Gilas pool ang mga PBA players na sina Scottie Thompson, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Jamie Malonzo at June Mar Fajardo gayundin ang Japan B. League cagers na sina Dwight Ramos, AJ Edu, Kai Sotto at Carl Tamayo.

Bahagi rin ng koponan ang De La Salle University star na si Kevin Quiambao.

Sinabi ni Cone kung sakaling makakuha si Brownlee ng hindi kanais-nais na hatol, wala silang magagawa kundi gumawa ng ilang mahahalaga­ng pagsasaayo­s.

“We’re confident that Justin will be there. It’s not a lock but we’re confident that he’ll be there. And if necessary, we’ll adjust,” sabi ni Cone.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines