Daily Tribune (Philippines)

LEGAL FRAMEWORK, KAILANGAN BAGO ANG PI

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ni Senador Imee Marcos na knakailang­ang bumuo muna ng legal framework sa pamamagita­n ng batas bago isulong ang people’s initiative upang amyendahan ang 1987 Philippine Constituti­on.

Ayon sa senador, ang kawalan ng isang partikular na batas na namamahala sa people’s initiative sa kasaysayan ng bansa.

Dagdag pa niya, ang isyung ito ay matutuguna­n kapag sinimulan na ang deliberasy­on ng Resolution of Both Houses 6 na layong amyendahan ang ilang economic provisions ng Saligang

Batas.

Sinabi rin ni Imee na kabisado na raw ang constituti­onal convention (con-con) at ang people’s initiative hindi pa nagagawa sa buong kasaysayan ng Pilipinas.

Ang Korte Suprema, sa desisyon nito sa Santiago versus Commission on Elections, ay nagdeklara na walang executory law para sa people’s initiative para sa Charter change kung saan binanggit ang kakulangan sa Republic Act 6736 o The Initiative and Referendum Act.

Hinimok ni Marcos ang Senado na magtulung-tulong na bumuo ng batas na maglalaraw­an sa

method, process, guidelines, at safeguards para sa matagumpay na people’s initiative.

Una rito, nitong Martes, sinimulan na ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participat­ion, na pinamumunu­an ni Marcos, ang pagdinig sa mga alegasyon ng panunuhol, panlilinla­ng, at iba pang ilegal na aktibidad na nauugnay sa patuloy na people’s initiative.

Sa pagdinig, lumabas ang mga testimonya at ebidensya na nagdawit kay Speaker Martin Romualdez at iba pang miyembro ng House of Representa­tives sa inisyatiba.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines