Daily Tribune (Philippines)

BELLE MARIANO, DAPAT BANG KABAHAN KAY ATASHA MUHLACH?

- CHIKA -DIVA ALWIN IGNACIO

Ang tanong ng dabarkads at madlang pipol, dapat bang kabahan si Belle Mariano kay Atasha Muhlach? Ang tanong ay nag-ugat sa obserbasyo­n ng mga loyalistan­g “Eat Bulaga” na perfect ang pairing, may undeniable chemistry, at mala prinsesa at prinsepe ang datingan nina Atasha at Donny Pangilinan.

Huwat?? Paano damay dito si young master Pangilinan? Naging panauhin kasi si Donny sa longest running at reigning noon-time variety show, kasama ang kanyang kagandahan­g mommy dearest si Maricel Laxa-Pangilinan para sa promosyon ng kanilang pelikula.

Kauna-unahang pagkakatao­n na tumuntong si Pangilinan sa “Eat Bulaga” at game na game itong sumali sa mga palaro at mga pakwela sa palatuntun­an. Sa hindi maipaliwag na dahilan, marami ang nag-zero in sa young master at si pretty young miss Atasha kasi nga magkatabi ang dalawa sa money game sa EB.

Bagay na bagay talaga ang dalawa. Isang matangkad na magandang lalaki at ang Gen Z It Girl, sparks are flying at hindi pwedeng itanggi na pwedeng pangmalaka­sang tambalan kung papayagan at susugalan, huh!

Mananalig na ba tayo na sa pinakamala­pit na hinaharap, eh may AtDon o kaya DonTasha portmantea­u na para sa love team nina Donny at Atasha? At kung mangyayari nga ito, saan na pupunta si Belle?

Kamakailan nga, pinagduduh­an kung pangmalaka­san talaga ang estrella nitong si pretty as well Miss Mariano kasi nga, may nilutong promo sa kanyang bagong kanta sa isang pangmalaka­sang venue. Ayun, lumabas ang mga larawan sa Ekis na hindi jam-packed ang nasabing venue ang tanging nakapuno lang talaga ay sina Alden Richards at Maine Mendoza nung sila ay ang the phenomenal AlDub.

Marami tuloy ang kumutya na ambisyosa at feelingera masyado itong si Belle na wala naman talagang batalyon ng mga fan para magpakita ng fuerza at lakas, huh!

Kung saka-sakali ngang may magsusugal sa tambalang Atasha at Donny, marami ang nagmumungk­ahi na dapat mala-“Dear Heart” nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang maging proyekto nila. Blossoming of a young love, sweet love ng mga Gen Z middle class. Ay! Pasok na pasol sa banga! Siguradong number one sa takilya, sa totoo lang.

Pwede namang balikan ni Belle ang tambalan nila ni Jeremiah Lisbo na sa totoo lang, sila naman talaga ang mas bagay at swak!

*** Tinawanan at pinaglarua­n ang isang social media post na nagsasabin­g “numero uno” sa takilya ang pelikula nina Toni Gonzaga-Soriano at Pepe Herrera.

Nagdabog ang bangs ng mga netizen at umarko ang kilay ng balana dahil nga, ilang oras pa lang na ipinapalab­as ito sa mga sinehan, may deklarasyo­n agad na number one? Saan galing ang datos? At higit sa lahat, kamusta naman ang first day gross?

Sa unang araw nga nito, ni hindi pinag-uusapan sa Facebook, Ekis at TikTok ang palabas. Ni wala ngang pangmalaka­san word of mouth tungkol dito. Masyado namang garapalang pambobola at pang-gogoyo ang balitang na nanguna ito sa mga sinehan.

Wag ganun! Sa totoo lang tayo dapat lagi. Kung maganda talaga ang pelikulang iyan, hindi niyo na kailangan pa ang ganiyang paandar. Kusang darating at manoonood ang mga gustong manood, sa true lang.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines