Daily Tribune (Philippines)

SENADO NAIS MAG-IMBESTIGA SA PAGKAWALA NI CAMILON

- Ni Kitoy Esguerra

Inihayag ni Senador Raffy Tulfo na nais niyang maimbestig­ahan sa Senado ang nangyaring pagkawala ng local beauty queen ng Tuy, Batangas na si Catherine Camilon.

Batay sa Senate Resolution 913 na inihain ni Tulfo, nakasaad na nais din niyang maimbestig­ahan ang pagkakasan­gkot ng mga pulis sa mga karumal-dumal na krimen.

“The involvemen­t of police officers in heinous crimes [has] been increasing in the past months and there is a need to review the screening process of police officers as well as the retention of officers in active duty,” saad ni Tulfo.

Pangunahin­g suspek sa pagkawala ni Camilon si dating Police Major Allan de Castro, na sinibak na sa serbisyo nitong nakaraang buwan at ayon sa mga paunang imbestigas­yon, lumilitaw sa imbestigas­yon ng pulisya na may relasyon sina Camilon at de Castro.

Ang naturang pakikipagr­elasyon ni de Castro kay Camilon kahit may pamilya na ang una ang dahilan kaya sinibak siya sa serbisyon.

Kahit umano inamin ni De Castro sa pulisya na may relasyon sila ni Camilon, itinanggi naman niya na may kinalaman siya sa pagkawala ng biiktima.

Kung matatandaa­n, huling nakita si Camilon sa isang mall sa Batangas noong Oktubre 12, 2023.

Ayon kay Tulfo, nais din niyang maimbestig­ahan ang pangyayari sa pagkawala ni Camilon, “for her family to gain swift justice.”

Nagsasagaw­a ng preliminar­y investigat­ion ang piskalya sa Batangas City kaugnay sa mga reklamong kidnapping and serious illegal detention na inihain laban kay De Castro gayundin sa kaniyang driverbody­guard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba.

Ayon sa mga saksi, nakita umano nila si Magpantay na nagmamando sa dalawang lalaki na may buhat na babaeng duguan at walang malay habang inililipat ng sasakyan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines