Daily Tribune (Philippines)

PAGDAWIT KAY VP SARA SA ‘TOKHANG’ INALMAHAN

- Ni Kitoy Esguerra

Inalmahan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte na siya ang nasa likod ng Oplan Tokhang sa Davao City noong alkalde pa siya roon.

Ayon kay Dela Rosa, puputulin niya ang ulo niya kung mapatunaya­n na si VP Sara ay mayroong kaugnayan sa Oplan Tokhang.

“Isa lang ang masasabi ko d’yan, ‘yang sinasabi niya ngayon na bago na naman niyang version na dinadawit niya si Inday Sara sa sinasabi niyang Tokhang, paputol ako ng leeg. Paputol ako ng leeg kaagad kung ma-prove niya ‘yan na si Sara ang nasa likuran niyan,” saad ni Dela Rosa.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay kasunod nang pagsisiwal­at ni dating Davao Senior Police Officer Arturo “Arthur” Lascañas na may kaugnayan umano si VP Sara sa Oplan Tokhang at si Duterte umano ang nagpasimul­a nito noong 2012 kung saan si Dela Rosa ang naging Davao Police chief.

“Kaya nga ang hirap nito ah ‘yung kanyang statement. Ano ba yan? Depende sa sinong nagbabayad o sinong nagpapasab­i ng kanyang statement? Matagal na yan eh. That’s more than six years ago... Ngayon may ibang bersyon nanaman siya,” sabi ni Dela Rosa.

“Kayo? Maniniwala pa kayo d’yan? May bagong bersyon na naman ngayon. Naisama na naman si Inday Sara... Hindi na katotohana­n ‘yung sinasabi niya... Depende ‘yan so kung sinong... gustong idiin? Ganoon pala yan?” dagdag niya.

Kumbinsido rin si Dela Rosa na mayroon umanong mga taong nasa likod ni Lascañas na kumukontro­l sa mga kilos nito.

“In due time we will know. Hindi ko na lang sabihin ngayon... Nagkakatao­n lang ba ito? Kung kailan ito uminit ‘yung isyu about [people’s initiative], pinalabas nanaman si Lascañas? Ano ito? The people behind Lascañas ay naka-connect lang naman sa people behind the PI? Napakalaki­ng coincidenc­e... coins ba? ‘Coinsidenc­e,’” sabi ni Dela Rosa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines