Daily Tribune (Philippines)

AIKO MELENDEZ NAGPALIWAN­AG SA COLLAB

- UNCUT ALEX BROSAS

Aiko Melendez nagpaliwan­ag sa collab Marami ang naloka sa blind item ni

Aiko Melendez tungkol sa isang celebrity na tinanggiha­n siya maka-collab.

Idinaan kasi ni Aiko sa cryptic post ang pagtngi sa kanya ng celebrity at lumaki nang husto ang issue.

“Samantala etong artista na naka work ko dati, minessage ko baka pwede mag collab kami. After so many attempts of messages… sumagot na sorry po di ako nakikipag collab po eh. Taray!!! Understand­able naman kung busy siya kasi pareho naman kami busy and sumubok lang naman ako. Kasi kala ko friends kami since nakawork ko na siya dati. Ending barado tablado ako. Ok lang hihi. Baka naman busy talaga siya. Mas busy pa siya kay BIDEN.”

‘Yang ang post ni Aiko.

Later on, na-realize niya ang maraming bagay kung bakit siya tinanggiha­n ng male celebrity.

“Ok fine… Eto na nga… Inaantay ng mga maritess… Napagisip isip ko me mali din naman ako kasi assumera ako ng slight sa collab collab. Kasi nga natrained ako ng manager ko na si Ogie Diaz na wag mahiya maki collab kasi tulungan naman yan di ba. So my bad if I assumed, But on the contrary iintindihi­n ko na siya bilang mas nakakabata siya sa akin bagets pa si O na lalaki eh. Baka kapag napag isip isip niya na sa vlogging world boring ang mag isa ka lagi sa contents mo open pa din naman ako pero check ko sched ko pa din ahhh,” say niya.

Batikos ang inabot ni Aiko sa isang popular website.

“Why do you need to make a collab? For the views? Kung ayaw nya eh di ‘wag. Just respect that. Pero para paringgan mo at sumbatan yung tao at I-blind item mo pa, I think that’s foul!”

“Agree!. Kung ayaw wag pilitin. Irespeto nya. Nilagay nya pa in bad taste yong tao dahil lang sa di sumang-ayon sa gusto nya. Pero sino nga kaya?... Hahaha.”

“I agree. Nagsorry naman and sinabi na hindi nakikipagc­ollab. Just coz hindi sya napagbigya­n she will throw shade to the person.”

“Sumagot daw after many attempts. So initially dinededma. Sa akin naman one or two attempts walang sagot gets ko na. Silence means no minsan. Di na ko mag ask ng pangatlo pa. Move on na ko.”

Marami ang tiyak na naloka sa sinabi ni Enrique Gil na sila pa rin ni Liza Soberano.

In his interview kasi sa TV Patrol, Enrique said that they’re still a couple at nagkalayo lang dahil nasa US si Liza purusing her American Dream.

“Yeah, yeah, we’re happy. We’re just really busy. I think we just realized na, in life, parang we shouldn’t always be centered around each other. We can do more, grow more, achieve more. And it just makes us better.”

Busy si Enrique sa promotion ng latest movie niyang I Am Not Big Bird at inamin niyang hiningi niya ang suporta ni Liza for his movie.

Isang “hello Big Bird” ang comment ni Liza sa kanyang post about his movie at labis na ikinatuwa na iyon ni Enrique.

Sa isang unreleased interview ni Liza ay inamin ng dalaga na noon pang October 2022 ay hiwalay na sila ni Enrique.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines