Daily Tribune (Philippines)

MGA SAPATOS NI MICHAEL JORDAN NAIBENTA NG $8M

-

Ang anim na solong Nike Air Jordans na sapatos na isinuot ng Amerikanon­g basketball star na si Michael Jordan noong dekada 1990 ay naibenta noong Biyernes sa halagang $8 milyon, ayon sa auction house na Sotheby’s.

Ibinigay ni Jordan ang kapareha ng mga sapatos kay Tim Hallam, communicat­ions executive ng dati niyang koponan na Chicago Bulls, pagkatapos ng mga panalong laban ng team niya na nakasungki­t ng anim na National Basketball Associatio­n tropeo mula 1991 hanggang 1993 at 1996 hanggang 1998.

Ang anim na sapatos na naibenta noong Biyernes ay isang Air Jordan VI (1991), VII (1992), VIII (1993), XI (1996), XII (1997) at isang Air Jordan XIV (1998).

Ang presyo ng pagbili nito sa auction sa Sotheby’s sa New York ay ang pangalawan­g pinakamata­as na halaga para sa mga koleksyong Michael Jordan.

Ang mga presyong naabot para sa tinagurian­g “Dynasty Collection” ay “malamang na hindi na muling mauulit,” pahayag ng Sotheby’s na hindi ibinunyag ng pagkakakil­anlan ng nanalong bidder.

“Ang record-breaking na presyo ngayon ay isang testamento sa GOAT,” sabi ni Brahm Wachter, pinuno ng Modern Collectibl­es ng Sotheby’s, gamit ang isang sikat na acronym para sa “greatest of all time.”

Noong nakaraang Abril, ang kumpanyang pag-aari ng French-Israeli tycoon na si Patrick Drahi ay nag-auction ng isang pares ng sneakers na isinuot ni Jordan sa kanyang huling championsh­ip final sa Chicago Bulls noong 1998 at nabili ito sa halagang $2.2 milyon.

Iyon ay isang rekord para sa sapatos, “Bred” (“Black and Red”) Air Jordan XIII, na nilagdaan ng manlalaro.

Isinuot niya ang mga ito sa Salt Lake City para sa NBA Finals laban sa Utah Jazz, na may dokumentar­yo sa Netflix at ESPN na pinamagata­ng “The Last Dance.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines