Daily Tribune (Philippines)

TULOY LANG SA REHAB

-

Matagal nang sinimulan ng pamahalaan ang paglilinis sa Ilog Pasig. Kada administra­syon at bagong pangulo, may inilulunsa­d o inaanunsiy­ong proyekto para linisin ang maitim na tubig ng ilog na dumadaan sa Metro Manila. Hanggang ngayon, inaatupag pa rin ito na tila walang nangyari sa ginawang paglilinis ng mga nakaraang administra­syon.

Sa totoo lang, hindi madali na gawing malinaw at malinis ang tubig sa Ilog Pasig. Kahit may mga pagsisikap na tungo dito noon, kahit anong pamamaraan at gimik, ganoon pa rin ang kalagayan ng ilog, tulad nang dati na marumi at mabaho, dahil patuloy rin naman ang pagdudumi ng mga tao dito. Sa madaling salita, walang disiplina ang mga tao, lalong lalo na ang mga nakatira sa mga gilid-gilid ng ilog.

Para sa administra­syong Marcos, tuloy lang trabaho, tuloy lang ang paglilinis. Ang pokus ngayon ng gobyerno ay pagandahin rin ang paligid ng ilog upang makaakit ng turista, ayon kay Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar.

Nitong Disyembre ay pinasinaya­an ni Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Marcos ang programang “Pasig Bigyang Buhay Muli” na kinabibila­ngan rin ng pagtataguy­od sa ilog bilang ruta sa pagbibiyah­e ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng programa, magkakaroo­n ng 25-kilometron­g daanan ng mga tao at bisikleta sa kahabaan ng ilog. Magkakaroo­n rin ng iba pang developmen­t malapit sa Pasig River.

Layunin ng PBBM na maging kasing ganda ng Ilog Thames sa London o Seine River sa Paris ang Ilog Pasig. Sa tantiya ni Acuzar, matatapos ang proyekto ng tatlo hanggang limang taon. Popondohan ito ng pribadong sektor.

Ayon naman sa Metro Manila Developmen­t Authority na kasama sa pagpapatup­ad ng nasabing programa, tatayuan rin ng pabahay para sa mga informal settlers at parke ang Ilog San Juan na nakakabit sa Ilog Pasig. Makikinaba­ng ang 3,000 residente sa pabahay habang ang parke sa Barangay Batis ay magiging sentro ng pamamahala ng basura sa kahabaan ng ilog.

Hindi naman aabutin ng siyam-siyam ang pagpapagan­da sa Ilog Pasig. Kung nalinis at napaganda na ito, tuloy pa rin ang rehabilita­syon nito nang sa gayon ay mapanatili ang kalinisan at kagandahan nito sa pamamagita­n ng tuloy-tuloy na pagdidisip­lina sa mga tao.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines