Daily Tribune (Philippines)

ANNE CURTIS NAGLULUKSA PARA KAY MAMA DEO

- UNCUT ALEX BROSAS

Malaking kawalan para sa

“It’s Showtime” host na si Anne Cutis ang biglaang pagkamatay ng Dreamscape Entertainm­ent head na si Sir Deo Endrinal.

Sa kanyang Instagram account, ipinagluks­a ni Anne ang pagkawala ni Sir Deo. Ini-reveal niya na noong down na down ang kanyang career ay si Sir Deo lang ang nagtiwala sa kanya.

Nag-post si Anne ng isang photo ng DVD case kung saan may mensahe si Sir Deo na “Dear Anne, These DVDs are my weekly copies that I have collected thru the run of the show. Wanted to give it to you as a simple token of gratitude and rememberan­ce.”

“Thank you Mama Deo. I’ll never forget that during a time I had lost confidence in myself and my career, you told me you believed in me and what I could do. Thank you for taking me under your wing for Green Rose, Kailangan Ko’y Ikaw and Dyesebel. My sincerest condolence­s to you and your family @pjendrinal.”

‘Yan ang caption ni Anne sa kanyang IG photo kasama ang DVD collection, ilang photos with Sir Deo at isang video na kasama rin ang ABS-CBN executive.

***

Marami ang tila na-bother nang mapansin ng netizens na hindi suot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring na bigay ni Sam Milby.

Siyempre, agad-agad nag-isip ng kung anu-ano ang mga fans. Pumasok sa isip nila na baka hiwalay na ang magdyowa o kaya ay may pinagdadaa­nan itong matindi sa kanilang relasyon. Some are wondering pa nga kung matutuloy ang kanilang kasal.

Tila sinagot ni Catriona ang mga agamagam ng mga netizens. Sa kanyang latest Instagram post ng mga scenic spots ay tinag niya ito kay Sam.

Ayun, marami ang nag-react.

“Mga marites suot na ba yung engagement ring.”

“O, Relax na kayo, naka tagged si Sam.” “Sagot yan sa mga marites. masyado kayo..lahat na lng tlg.”

“Boom basag ang mga maritess.” “Madaling mag post, like or tag kung talagang walang issue ang couples at kung gusto nilang patunayan na all is well sa kanila. Pero kung merong issue, naku wala tayong maririnig hanggang sa mabalitaan nalang na break na. Dina, tita?!”

“Bakit kasi need gawing issue ang hindi pagsuot ng engagement ring? We don’t wear accessorie­s all the damn time for some various reasons. SMH.”

“binibigyan kasi ni Sam ng “space” si Cat. Like nakakabisi­ta si Cat sa Australia para makita ang parents niya na hindi sumasama si Sam. Pati na rin sa friends ni Cat okay lang kay Sam. Matanda naman na kasi yun dad ni Cat so need niya bigyan ng quality time at naintintdi­han ni Sam. Si Sam pa nag prepare sa surprise bday party ni Cat. Hindi porke hindi madalas nakikita magkasama o hindi suot ang eng’ment ring ay hiwalay o nagkakalab­uan na.”

*** Sobrang naha-happy pala si Chito Miranda kapag kasama niya ang kanyang pamilya kapag may tour siya sa abroad.

Sa kanyang latest Instagram post kung saan nag-perform sila ng kanyang grupong Parokya ni Edgar sa Vancoutver, Canada, mahaba ang paliwanag ni Chito kapag kasama niya ang family niya while performing abroad.

“Sobrang saya ko na nasasama ko pamilya ko tuwing may tour ako kasama ng Parokya.

“Unang-una, malaking bagay kasi para sa amin ni Neri na ma-experience ng mga kids namin lahat ng pwede nilang ma-experience. Aside sa school, feeling kasi namin madami din silang natututuna­n sa pag-travel.

“Pangalawa, hindi ako nase-stress at naho-homesick kahit gaano katagal yung tour. Dati kasi, kahit 2 weeks lang yung tour, ang sungit ko na hahaha. Ngayon, kahit more than a month ako magtour, wala akong paki kasi kasama ko pamilya ko...kaya tuwang-tuwa yung mga producers at management namin kasi hindi ako nagi-inarte hahaha,” say niya.

“Higit sa lahat, nage-enjoy sila kasi kung saan saan sila nakakapunt­a (pati na rin ako hehe). Dati kasi nagkukulon­g lang ako sa hotel room tuwing may tour, naghihinta­y lang na tumugtog at umuwi. Ngayon, dahil kasama ko pamilya ko, masaya ko silang nasasamaha­n kung saan saan hehe!

“Wala lang...gusto ko lang i-share. Siguro dahil thankful lang din ako kasi kasalanan ito ng lahat ng patuloy na tumatangki­lik sa Parokya kaya nagagawa ko ang lahat ng ito,” dagdag pa niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines