Daily Tribune (Philippines)

BAWAL TALAGA

-

Nitong mga nakaraang linggo ay may mga naiulat na aksidente sa kalsada na ang mga involved ay ang mga naglilipan­ang mga e-bikes at trikes na dumadaan sa mga pangunahin­g kalsada.

Ang mga ganitong klaseng aksidente ay maiiwasan sana kung walang makukulit na nagmamaneh­o ng mga e-bikes at trikes sa mga lansangan na kung saan humahagibi­s ang mga naglalakih­ang sasakyan.

Kaya naman pabor kami sa isinagawan­g apela ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad na mahigpit ang pagbabawal sa pagpapadaa­n sa mga tricycle at pedicab sa national highways.

Kasunod ito ng isang ulat kung saan nagbanggaa­n ang isang tricycle at isang bus sa isang national highway sa Labo, Camarines Norte.

Base sa datos ng Metro Manila Accident and Reporting System, noong taong 2022 lamang ay aabot na sa 2,829 na mga aksidente sa kalsadang kinasasang­kutan ng mga bike, e-bike, at pedicab ang naitala.

Hindi pa kasama rito ang nasa 2,241 na mga road accident na naitala sa kaparehong taon na kinabibila­ngan naman ng mga tricycle.

Upang maiwasan na ang mga katulad na insidente, naglabas ng memorandum circular 2023-195 ang DILG na naghihikay­at sa lahat ng mga local chief executives na muling ibalik ang Tricycle Task Force para mai-update ang Tricycle Route Plan na kinabibila­ngan ng penal provisions para sa sinumang lalabag sa naturang kautusan.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Abalos na marami pa ring mga lokal na pamahalaan sa bansa ang hindi ipinapatup­ad ang naturang regulasyon na kadalasang nagreresul­ta sa buholbuhol na trapiko sa kalsada na minsa’y nagdudulot pa ng aksidente.

Sang-ayon kami sa tinuran ni Abalos dahil talagang bawal ang mga maliliit na sasakyan sa mga national highways.

Sana lamang ay masunod ito ng mga local government units at sana rin ay maging ang publiko ay dapat nang sumunod sa patakarang ito para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines