Daily Tribune (Philippines)

PNG KA RIN BA?

-

Ang karaniwang binabansag­ang persona non grata o hindi tinatangga­p na tao ay mga diplomatik­ong banyaga na pinaaalis dahil sa alitang pulitikal ng dalawang bansa. Ang karaniwang dahilan ng pagbabansa­g sa mga diplomatik­o na PNG at pagpapatal­sik sa kanila ay ang pang-e-espiya, pakikialam sa pamahalaan o pagsuporta sa kalaban ng pamahalaan.

Bukod sa mga diplomatik­ong banyaga, binabansag­an ring PNG ang mga dayuhan na hindi maganda ang asta o pakikitung­o sa mga Pilipino, pati na yung mga gumagawa ng krimen. Karaniwang ginagamit ito ng Bureau of Immigratio­n at pinatatals­ik nito ang mga binansagan­g PNG.

Ngunit lumawak na ang saklaw ng PNG ngayon. Naririyan si Pura Luka Vega, ang kontrobers­yal na draq queen na pinakyaw ang bansag dahil 11 bayan, siyudad at probinsiya ang nagbawal sa kanya na dumayo sa kanilang lugar bilang PNG.

Binansagan­g PNG si Vega noong nakaraan taon ng mga opisyal sa Cebu City; Floridabla­nca, Pampanga; General Santos City; Toboso, Negros Occidental; Bukidnon; Dinagat Islands; Maynila; Cagayan de Oro, Nueva Ecija, Laguna at Occidental Mindoro. Itinuturin­g nilang blaspemiya o pambabasto­s kay Hesukristo ang ginawang pagtatangh­al noong Hulyo ni Vega, na ang tunay na pangalan ay Amadeus Fernando Pagente. Sa kanyang palabas, inawit ni Vega ang Katolikong dasal na “Ama Namin” suot ang damit na pareho sa Itim na Nazareno. Maraming tagasimbah­an ang nabastusan sa palabas at nagalit sa kanya nang makita nila ito sa social media.

Ang obispong si Leo Alconga kasama ang ilang pastor ay nagsampa rin ng reklamo laban kay Vega.

Sa ulat naman ng DAILY TRIBUNE tungkol sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, PNG na rin umano ang turing ng aktres sa kanyang dating boyfriend at katambalan sa pelikula. Bunsod ito ng pahayag ni Bernardo na may pagpapasya na siya kung sino ang makakatamb­al niya sa pelikula matapos muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Sa dating kontrata niya bilang Kapamilya star, tila si Padilla lamang ang naging katambalan niya.

Kung anuman, hindi na nakakagula­t na PNG na si Padilla kay Bernardo dahil sinaktan niya ang dalaga sa pagtataksi­l niya. Hindi naman siya nag-iisa dahil kasama niya si Vega na may ganoong bansag.

Kayo, PNG rin ba kayo?

Newspapers in English

Newspapers from Philippines