Daily Tribune (Philippines)

BAGUIO LGU INATAKE NG MGA HACKERS

- Ni Kitoy Esguerra

Inihayag ng Management Informatio­n Technology Division ng Baguio City Mayor’s Office na aabot sa mahigit tatlong milyong beses na inatake ng mga hackers ang data system ng Baguio City noong taong 2023.

Batay sa mga datos, sinasabing karamihan sa naturang hacking incidents ay nangyari noong buwan ng Setyembre ng nakalipas na taon pero sa kabila nito, nilinaw ng tanggapan na wala ni isa sa nasabing cyberattac­ks ang matagumpay na napasok ang sistema ng Baguio City.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinapaalal­ahanan ang lahat ng mga departamen­to na palaging gumamit ng backup system para sa kanilang data, kasabay ng mas pagpapaigt­ing pa sa cybersecur­ity measures nito, gayundin ang pagtatatag ng mga preventive measures laban sa cyberattac­k.

Kung matatandaa­n, una nang iniulat ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology na may ilang hackers ang nagtangkan­g pasukin ang mga email systems at internal websites ng ilang mga ahensya ng pamahalaan na gumagamit ng cloud service provider na posibleng ang layunin umano ay ang mangalap ng mga impormasyo­n.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng DICT na naniniwala itong ang naturang mga hackers ay nag-ooperate sa China, bagay na mariin namang pinabulaan­an ng Chinese Embassy sa Pilipinas.

Samantala inanunsiyo ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology na inaprubaha­n na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na taong National Cybersecur­ity Plan mula ngayong 2024 hanggang 2028.

Layunin ng planong ito na magkaroon ng mapagkakat­iwalaan, ligtas at maasahang cyberspace para sa mamamayang Pilipino.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines