Daily Tribune (Philippines)

MINDANAO SEPARATION HINDI UUBRA – PBBM

- Ni Sebastian Navarro

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes na labag umano sa Saligang Batas ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, at hindi magtatagum­pay ang panawagan para rito.

Sa isang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang panawagan na ihiwalay ang Mindanao, “is doomed to fail, for it is anchored on false premise not to mention a sheer constituti­onal travesty.”

“I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao. This is a grave violation of the constituti­on,” sabi ng Pangulo.

Kung matatandaa­n, kay dating Pangulong Rodrigo Duterte umano nanggaling ang usapin na ihiwalay ang Mindanao sa harap ng kaniyang pagtutol sa Charter change sa paraang ng peoples’ initiative.

Sa talumpati naman ni Marcos sa 17th meeting of the national government-Bangsamoro government Intergover­nmental Relations Body sa Pasay City, sinabi niya na ang malakas na Mindanao ay mangangahu­lugan ng malakas na Pilipinas.

‘’A stronger BARMM means a stronger Mindanao. A stronger Mindanao means a stronger Philippine­s bringing us closer to achieving our agendas,’’ sabi ni Marcos.

Inihayag din ng pangulo na hindi magiging kumpleto ang Bagong Pilipinas kung hindi magiging maunlad ang Bangsamoro region.

Ang IGRB ay isa sa intergover­nmental relations mechanisms ng pamahalaan at Bangsamoro government­s na binuo sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law.

Nauna nang nagpahayag si BARMM Chief Ahod Ebrahim ng suporta sa administra­syon ni Marcos, at pagpapatup­ad ng Comprehens­ive Agreement on the Bangsamoro na naging daan sa paglikha ng BARMM, na ipinalit sa ARMM.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines