Daily Tribune (Philippines)

TUMATABONG KATUTUBO

-

Bunyag na ang sikreto kung bakit dumadagsa ang mga kababayan nating katutubo sa Maynila tuwing buwan ng bre.

Sa mga di nakaaalam, kahirapan sa kabundukan ang pinaniniwa­laang dahilan ng mga Ita at Badjao upang dumayo sa kabisera at manlimos sa mga motorista at mga pasahero ng pampubliko­ng sasakyan. Sila ang mga kulot at maitim na mga babaeng may bitbit na sanggol, pumapanhik sa mga dyip at namamahagi ng sobre kung saan ilalagay ng mga naaawang manlalakba­y ang baryang tulong. Sila rin ang mga nakamalong na mga batang babae at mga batang lalaki na sumasampa sa mga dyip at namamahagi rin ng sobreng lalagyanan ng limos.

Ngunit ayon sa Department of Social Welfare and Developmen­t na tumutulong sa mga manlilimos na Badjao at Ita, hanapbuhay ang kanilang gawain o motibo. Naeenggany­o silang manirahan sa lansangan at manlimos sa daan dahil nakakakubr­a sila umano ng P1,000 hanggang P1,500 na limos kada araw, pagbubunya­g ng DSWD.

Mukhang mas malaki pa ang kita nila kaysa sa amin, pabirong sabi ni Marilyn Moral, tagapagsal­ita ng Programang Pag-abot ng DSWD, ayon sa isang ulat sa dyaryo.

Ang Pag-abot ay tumulong sa mga katutubong namamalimo­s na makabalik sa kanilang probinsya. May 411 Ita ang nabigyan ng pamasahe para makauwi nitong nakalipas na kwarter ng 2023.

Sa kabuuan ng nasabing taon, 741 ang natulungan sa ilalim ng programang BalikProbi­nsiya ng DSWD. Kabilang rito ang 35 na napauwi sa Luzon, 33 sa Metro Manila, 24 sa Bicol, 23 sa Silangang Visayas, 17 sa Timog Tagalog, 15 sa Gitnang Visayas, 15 sa Kanlurang Visayas at 13 sa Davao.

Layunin ng Balik-Probinsiya na mailipat ang mga pamilyang walang tirahan sa Maynila sa kanilang probinsiya sa pamamagita­n ng pagbibigay sa kanila ng pamasahe.

Maganda naman ang ganitong tulong ngunit hindi naman kaya namimihasa na ang ating mga katutubo? Kung libre naman silang makakauwi, lalong maglalakas-loob silang dumayo sa Maynila upang manlimos dahil menos na ang pamasahe pabalik sa kanilang lugar.

Ipinagbaba­wal ng DSWD ang pagbibigay ng limos sa mga manlilimos. Ngunit tila limos din ang tulong na abonohan ng DSWD ang pamasahe nila pauwi.

Subalit walang magagawa kundi mapauwi sila imbes na manatili sa Maynila at magmukha silang pinababaya­an ng gobyerno.

Mukhang may gulangan dito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines