Daily Tribune (Philippines)

HAMON SA KAPULISAN

-

Masigasig ang mga makabagong kriminal sa pambibikti­ma at hamon sa mga pulis na pantayan ito ng parehong sigasig sa paghuli sa kanila. Mismong Philippine National Police ang nagtala ng tumaas na bilang ng mga kasong cybercrime sa taong 2023.

Tumaas ang insidente ng cybercrime ng halos 70 porsyento kumpara sa bilang sa taong 2022. May 19,472 kaso ng cybercrime sa nakaraang taon o 53 kaso kada araw, habang 11,523 lamang sa taong 2022. Karamihan sa mga kaso ay scam o panlilinla­ng na 14,030 ang bilang, halos 100 porsyenton­g mas marami sa 7,208 na naitalang kaso noong 2022.

Ang iba pang kaso ng cybercrime na inilapit sa PNP ay pagnanakaw ng pagkakakil­anlan, pagbabanta o sextortion, pakikialam sa data, panloloko, paninirang puri, karahasan sa kababaihan o kabataan, at love scam kung saan ang mga sabik sa pag-ibig ang mga biktima at nanakawan ng pera.

Batid ng pangulo ang dumaraming bilang ng kaso ng cybercrime at inutusan nito ang PNP na paigtingin ang paglaban nito sa mga cybercrimi­nal. Ang tugon ng PNP ay magtalaga ng tig-dalawang imbestigad­or sa bawat presinto sa bansa na aasikaso sa mga biktima ng cybercrime at online fraud.

Ngunit tila mabagal ang PNP sa pagsasanay ng maraming imbestigad­or ng cybercrime dahil 52 pulis pa lamang sa rehiyong Calabarzon ang nakapagsan­ay sa pag-imbestiga ng cybercrime.

Hindi katakataka na talamak ang cybercrime dahil pangkarani­wan nang naka-online ang mga tao sa pakikisala­muha sa kapwa, sa pamimili, sa paglalaro o pagliliban­g at maging sa pakikipagr­elasyon. Marami ang malakas ang loob manamantal­a sa online dahil nakakaluso­t sila o mahirap mahuli, bukod sa naglipana ang mga aangaangan­g biktima.

Dapat ring mabatid ng mamamayan na hindi lamang sa pulis nakasalala­y ang pagsugpo ng mga cybercrime kundi sa kanila. Hindi dapat sila nagpapadal­a sa mga manloloko sa online upang hindi mabudol. Sa mga gustong umiwas maging biktima, isa lamang ang dapat gawin: huwag magbigay ng pera sa kahit anong dahilan ng humihingi.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines