Daily Tribune (Philippines)

DALAWANG SNATCHER ARESTADO

- Ni Kitoy Esguerra

Kalaboso ang bagsak ng dalawang lalaking nanghablot umano ng cellphone sa Buendia, Makati at inaresto rin ang dalawa pang babae na pinaniniwa­laang kasabwat nilang nanuhol sa Barangay Palanan nitong Sabado.

Ayon sa isang barangay tanod na kinilalang si Jovel Lozano, nagpapatro­lya sila noon sa lugar nang mapansin ang away ng isang babae at lalaki na bumaba sa sinasakyan­g jeepney.

“Nagtaka po ako, akala ko magtatay. Nung katagalan parang sabi ko hindi ata tama, nagpakilal­a po ako. Sabi ‘kuya ito po is nanghablot ng cellphone ‘yung lalaking ‘to.’ Pinagilid ko na siya tapos tumawag ako ng responde,” sabi ni Lozano.

“Tinawagan nung nahuli ‘yung isa, bumalik ng Filmore, para lang ibalik ‘yung cellphone. Sinalubong ko agad, nahuli din ‘yung isa,” dagdag ni Lozano.

Agad dinala sa barangay ang dalawang lalaki na tinangkang makipag-areglo sa biktima at nanuhol din umano ng pera sa mga tauhan ng barangay.

“Pinipilit ‘yung complainan­t na magbibigay na lang sila ng halaga para mapakawala­n sila. E sabi nung babae, ayaw niya. Ngayon pumasok na sila sa loob para mabigyan namin ng proper dispositio­n, ini-insist pa rin nila ‘yung offer nilang pera na kapalit ng kalayaan nila, aareglo at may darating daw na tao,” ayon kay Ronnie Aseboque, deputy ex-o ng barangay.

Nakipag-ugnayan ang barangay sa pulisya para isagawa ang isang entrapment operation.

“Ayun nga dumating ‘yung dalawang babae. Tapos kinausap kami dun, kaharap ‘yung babae, nag-ooffer ng pera. Hindi ko in-expect ‘yung kapal ng pera na binibigay nila sa amin,” sabi ni Aseboque.

Nagpakilal­ang anak at asawa ng dalawang nahuling suspek ang mga dumating sa barangay na pinaniniwa­laang mga kasabwat nila.

Sa pagtataya ng barangay, aabot sa P20,000 ang perang inaabot sa kanila ng mga suspek.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines