Daily Tribune (Philippines)

JAKE EJERCITO, KAKISIGAN, NAGPANGINI­G AT KILIG

- CHIKA -DIVA ALWIN IGNACIO

Habang tinitipa ang pitak na ito, may 252K views, 3, 922 likes, 892 bookmarks,

342 reposts at 127 quotes ang bidyo ni Jake Ejercito sa Ekis. Tiyak na tiyak, na mas lalo pang tataas ang mga pigurang ito dahil talaga namang nakakapang­inig ng kalamnan at may hatid na init at kilig ang paandar ni young master Ejercito.

Sa nasabing bidyo kasi, hubad baro si Jake, na tila nasa isang treadmill machine, lalong tumingkad ang kanyang mestizo looks dahil sa blonde color ng buhok na ito.

At oo, kitang-kita kung gaano kakinis ang balat nito, tamang-tama ang hulma ng pangangata­wan at ang mga utong nito, pink kung pink talaga na para bang wala pa itong mga karanasan, huh!

Ang mga comment nga sa Ekis patungkol sa bidyo nitong si Jake, karamihan ay lantaran ang pagnanasa sa kanyang matipunong pangangata­wan. Ang pilyo at pilya, pinupuntir­ya ang tunay na pagiging kakam-pink ni Ejercito, sila ay nararahuyo sa labi at mga utong nitong kalimbahin ang kulay.

Ang mga may tunay at sapat na kaalaman sa agham at dalubkataw­an, siyento porsiyento at buong katapatan ang konklusyon nila na kung ano ang kulay ng labi na mayron ang isang lalaki, ang ulo ng ari nito, ganun rin ang kulay.

Ay! Talaga ba? Siyang tunay na kay haharot at malilikot ang inyong mga imahinasyo­n.

Ready na for mature roles si Jake sa truel lang. Marami nga ang impressed sa binata kasi nga sa “Linlang”, straight acting gay ang katauhan nito na may kasintahan pa, na ginampanan ni Mark McMahon.

Secure si young master sa kanyang pagkalalak­i at pagiging lalaki kaya mahusay nitong nabigyang buhay ang kanyang katauhan, tumatak talaga ito sa mga manonood, kahit pa nga maikli ang mga kabanatang kasama siya.

Ngayon ayan na nga, positive ang feedback sa kanyang kisig, tatanggap nga kaya si Jake Ejercito ng mga pelikulang pang adult at sexy ang tema? O ang bidyo nito ay sadyang patikim at hanggang dito na lamang ito at maraming salamat sa inyong paghanga?

Ang tiyak na aabangan kay Jake Ejercito, eh kung papaya itong maging modelo ng swimming trunks, jock strap o underwear. Pag ito ay kanyang ginawa, magkaka-alaman na kung siya ay the sexiest man alive at kung tunay siyang alagad ni Felix Bakat.

Naman!

***

Bagamat sa Marso pa ang ikalawang edisyon ng Star Magic Prom, ngayon pa lamang, nagbubunyi na ang mga FranSeth fan, huh! Sina Francine Diaz at Seth Fedelin, siguradong-sigurado ang pagdalo kasi nga umoo na ang dalaga sa kanyang binatang kapareha.

Trending topic ngang pangmalaka­san sa Ekis ang FRANCINEsa­idYEStoSET­HinDUBAI. Sa unang basa nga, aakalain mong sinagot na ni Diaz si Fedelin at sila ay opisyal na ang pagiging magkasinta­han. Yun pala, yes sa promposal pa lang na nangyari nga sa isang pagtatangh­al sa Dubai.

Naku, tiyak mala-prinsesa at prinsepe na naman ang FranSeth sa ball sa Marso. Malay mo, malay ko, malay nating lahat, hindi lang pala talaga sa prom ang yes nitong si Francine, hindi ba naman?

aAng saya-saya tiyak ng FranSeth fandoms kung for real na sila at hindi lang for reel. At siempre pa, support natin ang young love, sweet love na ganiyan.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines