Daily Tribune (Philippines)

ALISTO SA TERORISMO

-

Unti-unting nagkakaroo­n ng hustisya ang apat na mga biktima ng pambobomba sa gym ng Marawi State University noong Disyembre 3 matapos kumpirmahi­n ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) ang pagkakapat­ay sa isa sa mga sangkot sa nasabing terorismo.

Tinukoy ng militar ang napatay na terorista na si Khadafi Mimbesa, alyas “Engineer.” Ang kasapi ng grupong Dawlah Islamiyah ay napaslang sa engkwentro sa mga tumutugis na sundalo sa Lanao del Sur nitong Enero, pahayag ng tagapagsal­ita ng AFP sa mga mamamahaya­g.

Kinumpirma rin ng isang sumukong miyembro ng teroristan­g DI-Maute nitong Linggo, si Khatab, ang pagkakakil­anlan ni Mimbesa at sinabi ang kinaroroon­an ng ibang sangkot sa pambobomba sa MSU.

Apat ang namatay sa pagsabog sa MSU at umaasa ang mga pamilya nila na mahuhuli sila.

Hinikayat naman ng pinuno ng AFP, si Heneral Romeo Brawner Jr., na sumuko na ang mga salarin upang hindi nila danasin ang sinapit ni Mimbesa dahil tutugisin sila ng husto ng mga sundalo.

Ang kilos at sigasig ng militar laban sa mga terorista ay karapat-dapat ng pagbati at pasasalama­t dahil hustisya ito para sa mga biktima.

Bukod sa pagpapanag­ot sa mga terorista, nagpapanat­ag din ng loob ang mga katuwang ng kasundaluh­an sa pagsisigur­o na walang makakapaso­k na terorista sa bansa.

Kung hindi dahil sa alistong pagbabanta­y ng mga taga-Bureau of Immigratio­n sa mga paliparan, malamang ay nakapasok ang isang wanted na terorista sa bansa.

Naharang ng mga taga-BI ang pagpasok sa bansa ng isang taga-Belgium na hinihinala­ng terorista ng Interpol. Kinumpirma ng BI na naharang ang Belgian, na hindi pinangalan­an, sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport nitong Pebrero 7.

Sinabi ni BI Commission­er Norman Tansingco na hindi pinayagan ng mga tagaBI na makalabas ang 31 anyos na lalaking banyaga sa NAIA Terminal 3 at pinabalik siya sa kanyang pinanggali­ngan sa Abu Dhabi, pati na ang kasama niyang babae. Ito ay matapos lumabas ang kanyang pangalan sa listahan ng Interpol ng mga pinaghahan­ap ng ibang bansa at nakita ito ng mga alistong ahente ng BI.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines