Daily Tribune (Philippines)

LIEZEL LOPEZ, SINGLE NA NGAYON

- Ni Cheriel Lazo

Aminado ang aktres na si Liezel Lopez na single siya ngayon at hindi niya prayoridad ang magkaroon ng relasyon dahil naka-focus umano siya sa kanyang career.

Pero paglilinaw ng dalaga, nagagawa pa rin naman daw niyang makipag-date paminsan-minsan.

“I’m single but I am dating,” sabi ng aktres. “Hanggang dating lang muna. Gusto ko pong i-discover pa ang sarili ko. Baka may mga hindi pa ako nagagawa na gusto kong gawin na. Kaya ‘yun muna ang gagawin before maging serious ako sa isang relationsh­ip.”

Inamin rin ng dalaga na ang dine-date daw niya ay older sa kanya at hiniling umano niya rito na maging magkaibiga­n muna sila.

“Older po siya sa akin. Gusto ko po ‘yung maging magkaibiga­n muna kami before we get into a relationsh­ip. Let’s get to know each other before everything else. ‘Yun ang preferred kong set-up,” sabi ni Liezel. “Secret po muna siya. Gusto ko po munang i-keep sa sarili ko. Kapag sure na sure na, ako na mismo ang magsasabi. Parang... surprise!”

Aminadorin si Liezel na mabilis siyang ma-in love noon lalo sa lalaking nagpapakit­a ng interes sa kanya kaya ngayon ay guarded na daw siya pagdating sa romance.

“Totoo po! Bihira po kasi sa lalake ‘yung mag-show ng feelings nila, ‘di ba? Kapag may gano’n, sobra kong naa-appreciate,” sabi ng dalaga.

“Pero alam ko naman po kapag binobola na ako. Kapag gano’n, kina-cut off ko na. Malakas dapat ang self-control mo para di ka ma-take advantage of. Natuto na po ako!” dagdag niya.

Naka-tatlong boyfriends na raw si Liezel at lahat daw ng mga iyon ay naging supportive sa kanyang mga ginagawa ngayon.

“I’m very thankful sa mga natutunan ko sa mga relationsh­ips na iyon. Naging very supportive sila sa career na napili ko. Isa kasi sa reasons kung bakit naghiwalay kami ng first boyfriend ko is because mas pinili ko ang show business. Better to separate ways kasi long distance relationsh­ip iyon at gusto ko po talagang maging artista,” sabi ni Liezel.

Kabilang sa nakarelasy­on noon ni Liezel ay ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin. Nagkaroon sila ng relasyon noong nagkasama sila sa lock-in taping ng 2021 GMA teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat. Pero pagkaraan ng anim na buwan ay naghiwalay din sila.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines