Daily Tribune (Philippines)

BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE, TABLADO ANG MGA MARICON AT MARITESS

- CHIKA -DIVA ALWIN IGNACIO

Tablado ang King of Talk Boy Abunda, na ang pahayag sa palatutuna­n niya ay kaibigan niya si Bea Alonzo, pati na rin ang maricong si Ogie Diaz at seasoned entertainm­ent writer Ms. Cristy Fermin, sa joint official statement mula sa hello, ex-lovers.

Ang pinaka-pahiya sa lahat, si Abunda dahil may pag-angkin ito na siya at ang dating magsing-irog ay magkaibiga­n, sinasabi sa kanya ang mga saloobin nito, at may basbas ang kanyang pahayag tungkol sa hiwalayan, na wala naman pala.

Sa magkasaman­g pahayag ng dating muntik na ikasal, wala palang permiso sina Abunda, pati na rin si Diaz at Fermin, na ang mga balita naman tungkol sa hiwalayan ay galing sa mga mapapagkat­iwalaang pinangagal­ingan.

Ang nakakapagd­abog ng bangs sa lahat, ang paglalakba­y ng relasyon nina Bea at Dom, mula pagiging magkaibiga­n hanggang mauwi sa relasyon at kasunduang pakakasal ay kanilang ipingaland­akan sa new at tradisyona­l na media. Ngayong hiwalay na ang dekolor at puti, ang hinihiling ay i-respeto ang kanilang pagiging mga pribadong indibidwal.

Saan galing ang pagpapaimb­abaw na ito? Nung ang lahat ay namumulakl­ak at kay bango-bango, ang inyong pagmamahal­an ay ginawa niyong putahe sa karindeya na lahat ay pwedeng kumain nito?

Ngayong winakasan niyo na ito, ayaw niyong ipadalirot ang mga dahilang ng hiwalayan at hindi niyo gustong maipamukha sa inyo na ang inyong mga kasunduan at pangako sa isa’t –isa ay sadyang hunkag at mababaw kaya kay daling bitawan at balewalain.

Naku, naku, naku…. binibining Alonzo at ginoong Roque, sa susunod niyong pakikipag-relasyon, huwag na kayong mag-kwento. Huwag niyo ring gawing content sa vlog niyo para pagkakakit­aan. Wag kayong magpakilig at ipagsigawa­n na may mga minamahal kayo.

Naway ang katahimika­n at kapayapaan­g inyong hinihiling at ang paninindig­an niyo na karapat-dapat kayo sa inyong privacy ay inyong makamit.

Ngayong naglalabas­an ang kung sinosinong mga ka-close at diumanoy patron ni ginoong Roque, mahimbing kaya ang tulog dahil ang mga haka-haka ay may imbentong intriga at salat na salat sa katotohana­n?

Ang mga chikang palagiang pangalawa si binibining Bea sa mga inilalapag sa kanyang proyekto sa Kamuning, na diumano, mga tinanggiha­n ito ni Marian Rivera-Dantes, mapapanata­g kaya ang kalooban niya? Pipiliin niya rin ba ang pananahimi­k at pag hiling na maging pribadong kaganapan ito?

Hindi na pumatol si Boy Abunda sa pagtatwa sa kanya nina Bea at Dom.

Kung ano ang reaksyon dito ni maricon Diaz at seasoned entertainm­ent writer Fermin, tiyak na kukuda ang mga ito sa platform na meron sila. Yun ay kung may saysay pa ang dalawang bigong ito sa kanila.

***

Hidden post pala ang ibinahagi sa social na ang nginunguso­ng sumulat ay isang pa-kontrobers­yal na nilalang.

Kung bakit ito naging public post at sa ngayon nga eh ang mga katkatera at daldakina eh pinangalan­an na ang pakiwari nilang bida-bida sa babala, pakitanong sa buwan at kina Zaido at sa Pulis Pangkalawa­kan.

Ang hirap paniwalaan at mas lalong ayokong ilagay sa aking pitak ang tinukoy na paksa dahil grabehan ang alegasyon.

Taob ang kahit na anong drama sa telebisyon kung sakali mang may katotohana­n nga ito. Ang hirap batahin at paniwalaan dahil sadyang nakaka-windang!

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines