Daily Tribune (Philippines)

BIYUDANG LOLA NAHULOG SA LOVE SCAM

- Ni Sebatian Navarro

Isang 70-anyos na biyuda sa Davao City ang nabiktima ng isang love scam at ayon sa mga ulat, nakilala umano ng lola ang suspek sa social media.

Batay sa imbestigas­yon, sinasabing nagpapadal­a umano ang lola sa matatamis na salita ng suspek gaya ng “I miss you, I’m dying for you” at dagdag nito, nagging ka-chat niya simula lang nitong Disyembre ang suspek na nagpakilal­ang US citizen.

“Sabi niya, ‘I’m going to the Philippine­s to marry you,’” kuwento pa ng biktima.

Lalo namang nagkainter­es ang lola sa suspek dahil sa kagustuhan niyang makapunta sa Amerika para makasama ang kapatid na naniniraha­n doon.

Dito na kunwaring nanghiram ng pamasahe ang suspek papuntang Pilipinas at nangakong babayaran ng triple.

Paunti-unting nagpadala ng pera ang biktima sa suspek na umabot sa mahigit P60,000.

Humingi pa ng dagdag P30,000 ang suspek pero napansin na ito ng apo ng biktima at natuklasan na Pilipinas lang address na pinapadalh­an ng kaniyang lola.

Idinahilan pa raw ng scammer na address ng ahente niya sa Pilipinas ang nakita ng apo ng biktima.

Lumitaw na kakilala ng kaibigan ng apo ang naturang nakapangal­an sa address. Dahil dito, dumulog na ang mag-lola sa Regional Anticyberc­rime Unit Region 11 ng Philippine National Police.

“Kapag once ang ka-chat ay nagdemand na po ng pera at gumagawa ng kung anu-anong dahilan, hindi lang pera meron pang gamit na ipinangako­ng ipapadala sa’yo. Yung iba diyan nagpapangg­ap lang na foreigner, kapag nag-request na magpadala kayo ng pera gagamit na po ng ibang tao, mag-isip-isip na po tayo,” paalala ni Police Colonel Ricardo Punzalan, chief, RACU-11.

Iniimbesti­gahan na ang reklamo para mapanagot ang suspek na posibleng maharap sa reklamong paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines