Daily Tribune (Philippines)

DEPED BUKAS SA PAGTAAS NG SWELDO NG MGA GURO

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ng Department of Education na bukas ito sa mga deliberasy­on sa panukalang taasan ang sahod ng mga public schools teachers sa P50,000 kada buwan.

Sinabi ni Education Undersecre­tary at spokespers­on Atty. Michael Poa na palaging magsusulon­g ang DepEd para sa karagdagan­g benepisyo para sa mga guro.

Kung matatandaa­n, nauna nang naghain ng House Bill 9920 sina ACT Teachers Representa­tive Francisca Castro, Gabriela Party-list Representa­tive

Arlene Brosas at Kabataan Party-list Representa­tive Raoul Danniel Manuel na naglalayon­g i-upgrade ang suweldo ng mga guro mula Salary Grade 11 hanggang Salary Grade 15.

Ayon sa mga naturang nagsusulon­g ng panukalang batas, ang kasalukuya­ng suweldo ng mga guro ay hindi sapat para matugunan ang family living wage na P1,119 kada araw o P33,570 kada buwan.

Dagdag pa ni Poa, hindi maaaring imungkahi ng DepEd ang “ideal salary” para sa mga guro sa pampubliko­ng paaralan dahil ito ay depende sa resulta ng pag-aaral ng World Bank.

Ayon naman kay DepEd deputy spokespers­on Asec. Francis Bringas, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang ginagawang pag-aaral ng World Bank na magpapakit­a kung paano ang dapat na dagdag na pasahod para sa mga guro.

Paliwanag ng opisyal, kinakailan­gan ng DepEd ang ganitong uri ng mga impormasyo­n para sa pagpapatup­ad ng salary hike sa mga guro nang hindi nagagambal­a ang staffing pattern ng ahensya.

Samantala, sa ngayon ay nakikipagu­gnayan na aniya ang DepEd sa World Bank kaugnay sa naturang pag-aaral bago nito ipatupad ang wage hike bill na inihain sa Kamara.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines