Daily Tribune (Philippines)

ANDREA BRILLANTES INIINTRIGA

- UNCUT ALEX BROSAS

Spotted sina Kyle Echarri and Andrea Brillantes sa isang mall during Valentine’s Day.

Kumalat ang video na kuha sa kanila habang nasa escalator. Of course, nagdulot ito ng palaisipan sa mga fans. Sila na ba? Nag-date ba sila?

Sa isang interview, inamin ng dalawa na very good friends silang dalawa. Una silang nagging close nang makasama sila sa Gold Squad kasama sna Seth Fedelin at Francne

Diaz. Then nagkasama sila sa Kadenang Ginto.

Actually, kagagaling lang ni Andrea from Tokyo kung saan pinanood niya ang ‘The Eras Tour’ ng internatio­nal popstar na si Taylor Swift.

Sa isang Facebook entertainm­ent side, marami ang nag-react sa short video post na lumabas.

“They are together in Japan. Kyle sent flowers to Andrea’s mother and Andrea sent flowers to Kyle’s mother. Their mothers posted yesterday on their insta stories. They are good friends and their parents support them.”

“They look good together and they compliment each other personalit­y.. I don’t know why may ibang nega sa lovelife ng ibang tao as if inaano sila.”

“Magbff po sila ksama nila si bes borres n nagchurch at nagdate.”

“Bagay nman cla both young and good looking. Maganda ung nagsimula muna kayong magbestfri­end tpos maging magjowa.”

“Yes.. At couple shirt sila ayieee I.g story ng mommy ni kyle yong parehas sila ng suot at binigyan din ni kyle ng flowers ang mama ni Andrea.

***

Marami ang tila nainggit sa It’s Showtime host na si Anne Curtis dahil isa ito sa manonood ng concert ni Taylor Swift sa Australia today.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Anne ang book ni Taylor Swift with this caption: Look what you made me do! @taylorswif­t.”

Special ang araw na it okay Anne dahil birthday niya today at ang wish na makapanood ng concert ni Taylor Swift ang kanyang wish na natupad.

Of course, ang daming nag-react sa post na iyon ni Anne. Ang inaabangan pala nila sa It’s Showtime host ay kung ano ang susuotin nito during the concert ni Taylor Swift.

“Can’t wait to see what you’re wearing to the concert. Huhu sene ol nalang talaga. Pa-Hi nalang ako kay inang Kulot. Enjoy, sing your heart out and make the whole place shimmer.

“Mhieee excited sa Eras outfit mooo.”

“Huhu enjoy the AU show! Katapos lang namin sa Japan. Grabe core memory!”

***

Pinalagan ng GMA-7 writer na si RJ Nuevas ang lumabas na chikang originally ay para kay Marian Rivera ang Widow’s War na napunta kay Bea Alonzo.

May lumabas kasing report sa online show ni Ogie Diaz na para kay Marian ang nasabing soap opera at hindi para kay Bea.

Ito ang ini-reveal ni Mrena na kasama ni Ogie sa show. “Bago ialok ang isang teleserye kay Bea Alonzo, eh dadaan muna kay Marian, siya muna ang aalukin kuya,” say ni Mrena.

May nakapagsab­i daw nit okay Mrena kaya naman ini-report niya ito sa online show nila ni Ogie.

Agad-agad itong pinalagan ni RJ Nuevas, ang writer ng teleserye.

“Hindi po ito totoo!

“Hiningan po ako ng concept for Bea Alonzo, at ang naisip ko at ipinasa at naaprubaha­n ng mga boss ay ang WIDOWS’ WAR.

“Para po talaga kay Bea ang show at walang inalukan na iba. Ganon din po ang dalawa niyang naunang shows.”

‘Yan ang paliwanag ni RJ.

At dahil sa show ni Ogie ito nangyari, bagama’t hindi naman siya ang nagbalita, ay si Ogie ang sumalo lahat ng panglalait sa social media.

“Bread and butter ni Ogie yan basta may masulat whether true or not, isusulat nya even without verificati­on for the sake of deadline perhaps.”

“wla na kc ibang ma chismis si OD... baka ganyan kalakaran sa kanyang pinag lilingkura­n.. hahaha.” “The Ogie Diaz fake news ka! magtigil ka na!” “Bitter lng talaga yang c ogie dahil mas maganda pa ang kuko ni Bea kesa knya noh!”

“Dapat linawin ni Ogie Diaz ‘to, dahil madaming nanghusga kay Marian at Bea. Pinag aaway niya ang mga supporters ng dalawang Kapuso stars, kahit kailan talaga walang pagbabago yang Ogie na yan. Hays.”

“Nakakainis na itong si Ogie Diaz. He is not helping the industry but tearing it down by creating animositie­s among the artists. Kung alam mo na nakakasira ang balita, pag isipan Mabuti. Worth it ba? Biruin mo pinapakain mo sa pamilya mo galing sa paninira? Regardless kung totoo man o hindi.”

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines