Daily Tribune (Philippines)

MALILIIT NA PATING DUMAGSA SA SANTANDER

- Ni Sebastian Navarro

Dumagsa ang mga maliliit na pating sa mabato at mababaw na bahagi ng dagat na malapit sa dalampasig­an sa Santander, Cebu na matatanaw mula sa kalsada habang sa kalapit na bayan ng Ginatilan ay dumagsa naman ang maliliit na isda.

Sa kuha ng mga video sa social media, naging abala ang mga tao sa pagkuha ng uri ng Sardinella gaya ng mga “tuloy-tamban” at “malangsi.”

Ang tagpo ay nakuhanan noong gabi noong Martes sa dalampasig­an ng Barangay San Roque at sa Poblacion sa Ginatilan. Naulit daw ito kinabukasa­n noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Wilma Laspoña, municipal agricultur­ist ng Ginatilan, posibleng may kinalaman sa global warming kung bakit napapadpad sa dalampasig­an ang mga isda.

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Visayas, naniniwala na may kinalaman ang ipinatupad na closed fishing season noong Nobyembre 2023 kaya dagsa ang mga isda.

Tatlong buwan na ipinagbawa­l ang commercial fishing sa mga protected seascape sa Visayas.

Hinihinala rin na may kaugnayan ang mga maliliit na isda na napadpad sa dalampasig­an ng Ginatilan kaya dumagsa rin at nagtagal ang maliliit na pating na nakita malapit sa dampasigan sa Barangay Pasil sa Santander.

Nahuli-cam ng asawa ng netizen na si Junette Oniong ang pagdagsa ng mga pating noong February 11.

Bagaman normal na raw na makakita sila sa naturang lugar ng mga maliliit na pating, pero mas marami raw ang mga maliliit na pating ngayon at tumagal pa ng ilang araw sa naturang lugar, na matatanaw din mula sa kalsada.

Hindi naman inirerekom­enda ni BFAR 7 Director Mario Ruinata, officer in-charge, na magsagawa ng tourism-related activities sa lugar na may mga baby shark.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines