Daily Tribune (Philippines)

TULONG NA WALANG KAPALIT

-

Sa dami ng mga kalamidad na tumama sa ating bansa nitong nakaraan, hindi maiwasan ng mga kababayan nating nasalanta nito ang humirit ng tulong sa pamahalaan upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Sunod-sunod na kasi ang kalamidad gaya nang pagbaha sa ilang mga lugar sa Mindanao, ang nararanasa­ng epekto ng El Niño sa ibang lugar at ang malagim na landslide na nangyari sa bayan ng Maco sa Davao de Oro na kumitil nang aabot na sa 100 katao.

Kaya naman inaasahan ng publiko na kikilos ang lokal na pamahalaan upang makapagbig­ay na nararapat na tulong sa mga apektadong residente na nawalan ng ari-arian, kabuhayan at mga mahal sa buhay.

Nitong mga nakaraan rin ay may mga pulitikong nagpapaabo­t na rin ng tulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad, gaya na lamang ng ginawa ni House Speaker Martin Romualdez.

Kamakailan ay nasa kabuuang P300 million halaga ng iba’t ibang programa ng gobyerno at pinansiyal na tulong ang ipinamahag­i sa 50,000 beneficiar­ies kung saan halos 100 percent ng family population ng probinsiya ang sakop.

Pinangunah­an ni Romualdez ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Siquijor nitong weekend kung saan ikinatuwa nito na naging matagumpay ang nasabing programa sa paghahatid ng mga mga serbisyo ng gobyerno sa mga far-flung areas o malalayong lugar sa bansa.

Ang BPSF ay programa ng Pangulong Marcos para ilapit sa mga kababayan natin na nasa malayong lugar ang mga serbisyo ng pamahalaaa­n.

Ang mga ganitong klaseng programa ang kinakailan­gan ng ating mga mamamayan upang mabigyan ng tulong – pinansiyal man or in kind – ang mga kababayan nating halos hindi na makabangon dahil sa sunud-sunod na dagok na naranasana­n nila dahil sa mga kalamidad.

Ang tanging hiling lamang namin ay wala na sanang hintaying kapalit ang mga taong tumutulong sa mga nasalanta, dahil kung nagkataon ay magiging mitsa pa ito ng mga kontrobers­ya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines