Daily Tribune (Philippines)

ILANG PINOY SA SOKOR NAGREKLAMO SA DMW

- Ni Kitoy Esguerra

Iniulat ng Department of Migrant Workers na pumalo na umano sa 150 ang natanggap nilang reklamo mula sa mga Pinoy na kinuha sa ilalim ng seasonal workers program sa South Korea mula noong 2022.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, mayroong 3,353 Filipino seasonal workers sa South Korea hanggang noong December 2023 at nagsimulan­g ipadala sa nasabing bansa ang mga Pinoy noong 2022 sa ilalim ng programa na pinapayaga­n ang short-term employment para sa mga foreign agricultur­al worker.

Ginagawa ito para matugunan ang kakulangan ng mga manggagawa tuwing peak planting at harvesting season sa South Korea.

“Over the period of time since the deployment­s began in 2022, we have received a number of complaints from the workers. Around 150 or so are the registered complaints by our migrant workers office in Seoul,” saad ni Cacdac.

“Ang mga reklamo ay exacting fees, legal deductions from wages and cases even of involvemen­t of brokers or intermedia­ries in recruitmen­t both in Korea and here in the Philippine­s charging fees or exorbitant amounts of money,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Cacdac, nakapagtal­a rin sila ng limang kaso ng physical abuse, limang medical cases, at apat na natural deaths ng mga Pinoy sa South Korea sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Kasunod nito, naglabas umano ang DMW nitong nakaraang Enero ng moratorium sa deployment ng seasonal workers, upang ang pamahalaan na ng Pilipinas ang makikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan sa South Korea na mangangail­angan ng seasonal workers.

Sabi pa ni Cacdac, maglalabas din ang DMW ng permanent guidelines para sa deployment ng Filipino seasonal workers na sasakop sa standards of protection, fair treatment, decent working hours and wages, access to justice, and the monitoring and prohibitio­n against exorbitant fees ng mga manggagawa­ng Pinoy.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines