Daily Tribune (Philippines)

CELESTE CORTESI WALANG ISYU SA MGA TRANS

- Ni Cheriel Lazo

Aminado ang beauty queen-actress na si Celeste Cortesi na walang isyu sa kanya kung mas marami pang sumaling transwoman sa Miss Universe pageant at dagdag niya, graduate na umano siya sa pagsali sa mga beauty contest at mas gusto na raw niyang mag-concentrat­e ngayon sa kanyang showbiz career.

“I’m done with pageantry, tapos na,” saad ni Celeste na nabigong maiuwi ang korona at titulo sa Miss Universe 2022 na napanaluna­n ng half-Pinay, halfAmeric­an na si R’Bonney Gabriel ng USA.

Natanong ang dalaga nitong nakaraan kaugnay sa desisyon ng Miss Universe Organizati­on na papayagan nang sumali ang mga transwomen o mga dating lalaki na babae na ngayon, sa naturang pageant.

“Well I think that’s not even like, like a news, we had it before, and there’s nothing wrong with it. To be honest. It’s not about the sex, the age, the beauty anymore, it’s more about what you can bring in the table. And these women, they have such inspiratio­nal background­s that’s why they join Miss Universe, that’s why they the have the chance to be Miss Universe,” saad ni Celeste.

“So I think I will always choose to see the positive side to it, and this is positivity, and it gives more chances for more women,” dagdag niya.

Natanong din ang dalaga kung ano ang magiging reaksyon niya kapag isang transwoman candidate ang nakatalo sa kanya sa beauty pageant – sasama ba ang loob niya?

“I wouldn’t be mad about it, I cannot be mad about it, I cannot be mad about it. It’s her space, it’s her right to win,” ang tugon ng Kapuso actress.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines