Daily Tribune (Philippines)

2 KAWANI NG ZAMBOANGA CITY HALL MAY ‘SEX SCANDAL’

- Ni Sebastian Navarro

Bumuo na ng isang komite ang local government ng Zamboanga City upang maimbestig­ahan ang umano’y sex video scandal na kinasasang­kutan ng dalawang kawani ng city hall.

Batay sa mga ulat, may kaugnayan umano ang nasabing iskandalo sa isang kawani na may posisyon na humirit ng sex sa kawani na “job order” para maging regular sa trabaho.

Inilahad ng lokal na pamahalaan na naglabas na ito ng executive order para buuin ang committee on decorum and investigat­ion na siyang magsisiyas­at sa iskandalo na kinasasang­kutan ng isang kawani ng city hall na may posisyon at isang kawani na JO na hindi regular na kawani.

Aalamin sa imbestigas­yon kung totoo na may kasangkot na paghingi ng sexual favors kapalit ng pagiging regular sa trabaho ang naturang iskandalo.

Ikinukonsi­dera ng lokal na pamahalaan na isang uri iyon ng sexual harassment. Sinuportah­an naman ng City Council ang hakbang sa gagawing imbestigas­yon.

Nanawagan rin sa publiko si Councilor Lilibeth Nuno na huwag nang ipakalat pa ang video.

“I would like also to appeal to the public to stop sharing the post, this is not only traumatic to the victim, it is also traumatic to the family as well, as well as the community,” pakiusap ng opisyal.

Nais din ng Konseho ng lungsod na magsagawa ng hiwalay na imbestigas­yon sa naturang usapin ang National Bureau of Investigat­ion.

“We would also pass a second resolution later on requesting the National Bureau of Investigat­ion to conduct a parallel, a partial investigat­ion to the issue,” sabi ni Councilor Charlie Mariano.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines