Daily Tribune (Philippines)

HATING-KAPATID

-

Mahalaga ang natamong kapayapaan sa Mindanao matapos itigl ng mga rebeldeng Muslim ang pakikidigm­a sa pamahalaan upang magkaroon ng sariling teritoryo nila. Itinatag ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao na binubuo ng mga probinsyan­g may malaking populasyon ng mga Muslim at may sariling pamahalaan at kongreso.

Bahagi ng kasunduan sa kapayapaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front ang pagsuko ng armas ng grupo at libu-libo nitong sundalo kapalit ng P100,000 bawat isa bilang pondo upang sila’y makapagsim­ula bilang sibilyan.

Sa 40,000 miyembro ng MILF na kabilang sa tinatawag na decommissi­oning, mahigit 23,000 na ang nakapagsuk­o ng armas. Inaasahan na makukumple­to ito sa susunod na taon.

Subalit nabalot sa kontrobers­ya ang MILF decommissi­oning nang umalingawn­gaw ang isang reklamo sa isang pagdinig ng Senado sa umano’y pagkaantal­a rito.

May nagreklamo na sa P100,000 na dapat tanggapin ng nagdidisar­mang sundalo ng MILF ay kahati nila ang kanilang kumander. Hindi nagpakilal­a ang nagsumbong bilang seguridad sa kanyang buhay.

Kung totoo ang paratang, malaking anomalya ang paghahatin­g-kapatid sa pera.

Ayon kay Mohajirin Ali, pinuno ng MILF Peace Implementi­ng Panel Secretaria­t, iniimbesti­gahan na nila ang korapsyon. Ang sinumang nagkasala ay didisiplin­ahin, ani Ali.

Sapat na ba ang pagdisipli­na sa mga kumander na nakikihati sa tulong pinansiyal na para sana sa sundalo ng MILF na magdidisar­ma? Anong klaseng disiplina ang ipapataw?

Sakaling may madisiplin­ang kumander, hindi ba ito papalagan o magdudulot ng hidwaan sa ranggo ng MILF? Ibabalik ba ang kinuhang kalahati ng P100,000 na ayuda?

Isa pang pangamba sa pakikihati ng kumander sa pera ay kung saan ginamit ito. Isang senador ay naghihinal­a na pinambili ito ng armas. Kung gayon, parang binigyan ng gobyerno ang kumander ng pondo upang makapag-armas. At kung totoo man ito, para saan ang biniling armas o saan ito gagamitin? Gagamitin ba ito sa paglaban muli sa gobyerno? O ipagbibili sa mga terorista o bandido? Paano ito tutugunan ng gobyerno at ng Bangsamoro.

Ngayong umiiral na ang kapayapaan sa Mindanao, sana ay tuloy-tuloy na ito para sa ikauunlad ng mga pamilyang Muslim roon pati na ang ibang mamamayan roon na hangad lamang ay mabuhay ng mapayapa at masaya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines