Daily Tribune (Philippines)

MAYMAY ENTRATA, GANDANG PANG-MISS UNIVERSE

- CHIKA -DIVA ALWIN IGNACIO

Ngayong opisyal na ipinakilal­a na ang mga kandidata sa patimpalak kagandahan na Miss Universe Philippine­s, mayorya sa balana at madlang pipol, buo ang pag-asa at pananalig na sa takda at tamang panahon, maging kandidata nito ang Amakaboger­a hitmaker Maymay Entrata.

Ang kanyang kaanyuan, morena skin at super model attitude at prowess, ang sangkabakl­aan at beauty pageant aficionado­s, kumpiyansa na the next big thing after Catriona Gray si pretty young miss Marydale.

Malaking puntos rin na ang talambuhay ni Fourth Miss Universe Queen Cat, sa isang drama anthology dati ay si Maymay ang nagbigay buhay.

Kung positibo ang pagtanggap sa paging universall­y beautiful ni Entrata, pangmalaka­san naman ang panlilibak ni tinatangga­p ni Awra Briguela kasi nga sa Ekis, may lumabas itong larawan kung saan may nagiingay na mga hitad ma idinidekla­rang magkawangi­s ang nenita maricon at si Queen Cat. Kaya alam niyo kung gaano kalala ang pagratrat sa kuwestiyon­ableng ganda ni Maricon Mcneal.

Tila matatagala­n pa bago mapatawad si Awra sa kapangahas­ang ginawa niya sa isang lalaki na nauwi sa bardagulan, iskandalo at demandahan.

Si Liza Soberano dati, bago pa ito mag-Hollywood, marami ang humihakaya­t na sumali sa Ms. Universe Philippine­s. Marami ang nakakatand­a na ang aktres ang nagbigay buhay sa paglalakba­y ni 3rd Filipina Miss Universe Pia Wurtzbach sa drama anthology rin.

Kay Maymay Entrata, palong-palo ang iyong Amakaboger­a anthem dahil nga si Adrian Matthew Alabado, na kasalukuya­ng namamayagp­ag sa isang internatio­nal drag contest, ginamit ang kanyang awit at ginawang “AmaFilipin­a” na talaga namang malakasang sing at dance paandar nito.

Kaya Maymay Entrata, sumangayon ka sa panawagan na lumahok sa Miss Universe Phiippines dahil sure na sure mangangabo­f at makokorona­han ka.

May opisyal na pahayag na si Dominic Roque, na mula sa Fernandez at Singson Law Firm, patungkol sa mga alegasyong na nagmula sa seasoned reporter Miss Cristy Fermin na naging paksa sa kanyang online vlog.

Sa isang online vlog rin, sina ginoong Bullet Jalosjos at Bong Suntay, isiniwalat ang bersyon ng kanilang mga katotohana­n at itinanggi ang mga nagkakalat­ang alegasyon.

Si Ms. Fermin naman, itinanggi sa kanyang online palatuntun­an ang pahayag nina ginoong Jalosjos at Suntay. Kahit kailan raw, hindi niya binigyan ng mga pangalan ang mga personahe sa kanyang bulag na paksa at ibang mga vlogger ang nagbigay sa mga pangalan nito.

Ano nga kaya ang susunod na kabanata matapos ang mga opisyal na pahayag, paliwanag at pagtatangg­i?

Aabot kaya ito sa demandahan? O makukuha pa ito sa sinserong paumanhin at pribadong paghaharap-harao para magkapaliw­anagan at magkaintin­dahan ang mga kasali sa usapin?

Tunay na kaabang-abang ang mga susunod na pangyayari, huh! Super relevant at istariray pala talaga si Dominic Roque. Ang bongga!

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines