Daily Tribune (Philippines)

OBISPO SA AUSTRALYA NAHAHARAP SA KASONG PANGGAGAHA­SA, PANGMOMOLE­STIYA

- WJG

Isang obispo sa Australia ang nahaharap sa kasong panggagaha­sa at pangmomole­stiya.

Si Emeritus Bishop Christophe­r Alan Saunders ay inaresto sa Western Australia noong Miyerkules ng gabi matapos siyang imbestigah­an ng Vatican. Naging isa siya sa mga pinakanaka­tataas na Katoliko sa bansa na kinasuhan ng mga krimen sa sex.

Sinabi ng pulisya na siya ay sinampahan ng 14 na bilang ng paglabag sa batas at malaswang pag-atake at dalawang bilang ng pakikipagt­alik nang walang pahintulot -- isang legal na termino para sa panggagaha­sa.

Ang 74-anyos, na nakatakdan­g humarap sa korte sa Huwebes, ay sinampahan din ng tatlong bilang ng “indecently dealing with a child” sa pagitan ng 16 at 18 years old.

Ang Arsobispo ng Perth na si Timothy Costelloe, ang presidente ng Australian Catholic Bishops Conference, ay nagsabi na ang mga paratang ay nakababali­sa.

“Tama at nararapat, at talagang kinakailan­gan, na lahat ng mga naturang paratang ay masusing imbestigah­an,” aniya sa isang pahayag.

Ipinapakit­a ng mga dokumento ng korte ang mga di-umano’y pagkakasal­a ni Saunders na naganap sa pagitan ng 2008 at 2014.

Sa loob ng mahigit 20 taon, pinamunuan ni Saunders ang Diocese ng Broome, isang malawak na baybaying rehiyon sa hilagangka­nluran ng Australia na may dosedosena­ng malalayong komunidad ng Aboriginal.

Huminto siya bilang obispo noong 2020 nang unang lumabas sa lokal na media ang mga paratang ng sekswal na pang-aabuso -ngunit pinanatili ang titulo niyang “emeritus bishop.”

Nabigo ang isang paunang imbestigas­yon ng pulisya na makahukay ng sapat na ebidensya para kasuhan si Saunders, na naging matatag sa kanyang pagtanggi.

Ngunit sa patuloy na tsismis na umiikot sa clergyman, ang Vatican ay naglunsad ng sarili nitong pagsisiyas­at noong 2022 gamit ang malawak na kapangyari­han na unang itinatag ni Pope Francis.

Ang mga kumpidensy­al na natuklasan ng simbahan ay ibinahagi sa mga pulis, na pagkatapos ay muling binuksan ang kanilang imbestigas­yon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines