Daily Tribune (Philippines)

TAYLOR SUWITIK

-

Sa mga 100 na taong manunood sana sa konsyerton­g “Eras Tour” ng batikang Amerikanan­g mang-aawit na si Taylor Swift sa Singapore sa Marso 2 hanggang 9, P15 milyong halaga na pinambili nila ng tiket ang mapupunta sana sa kanya at sa nagtitinda ng tiket para sa nasabing pagtatangh­al. Sa kabila ng pagluwal ng mga tagahanga ni Swift na binagsagan­g Swifties, kabilang na ang Kapuso actress na si Sofia Pablo, hindi nila mapanonood ang kanilang idolo. Si Swift naman ay hindi maaawitan ang nasabing Filipino fans.

Sa scammer na scalper o pumapakyaw ng bultong tiket upang ibenta ng tingitingi sa mas malaking halaga napunta bumili ng tiket sa konsyerto ang mga 100 Swifties na taga-Pilipinas. Tumatagint­ing na P15 milyon ang nabudol at natangay sa kanila ng binilhan nila ng tiket na ngayo’y hindi na nila makita, ayon sa mga ulat. Napilitang makipagsap­alaran ang 100 na mamili ng tiket ni Swift sa mga online sellers dahil napakahaba raw ng pila ng namimili ng tiket sa tamang bilihan. Hindi nila alintana na maaari silang maloko o sadyang sumugal na lamang sila makapunta lamang sa Eras Tour.

Hindi naman masisisi si Taylor Swift sa nangyari dahil wala siyang alam rito. Sadyang sinamantal­a lamang ng mga scammer ang kanyang konsyerto upang makapanlin­lang at kumita ng pera. Tiba-tiba naman ang mga mahuhusay na scammer na umano’y nagpakita pa ng kanila mga ID at nakipagkit­a pa ng personal sa ilang namili ng tiket upang patunayan na sila’y legit. Sa kahulihuli­han ay sising-sisi ang mga nagtiwala.

Ganyan katalamak ang mga scam sa online. Marami sila na malalakas ang loob na manloko dahil hirap ang pulis sa paghuli sa kanila at marami ring biktima ang hindi nagrerekla­mo o naghahabol sa perang nabudol sa kanila.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga pulis na mag-ingat sa mga online scammer, hindi na natuto ang mga biktima.

Sa mga Swifties na nasuwitik, siguro naman ay mag-iingat na sila sa susunod at ang ibang Swifties naman ay mag-iingat na rin sa pagbili ng tiket. Kung mabubudol rin sila, Suwitiks na ibabansag sa kanila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines