Daily Tribune (Philippines)

NASAWING OFW MULA KUWAIT NAIUWI NA

- Ni Sebastian Navarro

Naiuwi na sa kanyang pamilya sa Ilocos Norte ang mga labi ng isang babaeng Overseas Filipino Worker na pumanaw sa Kuwait.

Ayon sa asawa ng nasawing OFW, nais niyang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kaniyang asawa.

Batay sa mga ulat, napag-alaman na 10 taon nang nagtrabaho sa Kuwait ang 55-anyos na OFW na kinilalala lang bilang si “Linda,” na mula sa Pagudpud, Ilocos Norte at ayon sa pamilya, Disyembre 29, 2023 nang huli nilang nakausap si Linda, at pagkaraan nito ay hindi na siya sumasagot sa kanilang tawag.

Hanggang nitong nakaraang Enero 11, nakatangga­p sila ng masamang balita mula sa Overseas Workers Welfare Administra­tion sa Laoag City, na pumanaw na si Linda.

Nais ng pamilya na maisailali­m sa awtopsiya ang mga labi ni Linda para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay niya.

“Talagang pa-autopsy ko kahit mahirap lang kami, gagawan ko ng paraan para makita ang katotohana­n kasi [yung] misis ko pumunta roon para magtrabaho,” saad ng kaniyang mister.

“Sabihin nila ‘yung katotohana­n, wala ‘yung takipan — sabihin nila ‘yung katotohana­n kasi hindi pare-pareho ‘yung sinasabi nila, ‘yung natatangga­p namin na balita sa kanila,” ayon naman sa kaniyang anak.

Nakikipag-ugnayan naman ang OWWALaoag sa Department of Migrant Workers at mga awtoridad tungkol sa nangyari kay Linda, at sa pagtulong sa kaniyang pamilya.

“We are coordinati­ng with the Department of Migrant Workers and the OWWA. Kasama namin sila and na-endorse dito sa Laoag Internatio­nal Airport to assist the bereaved family and through this, the human remains transporta­tion ay kinover din ni OWWA and other benefits is maa-apply sa office namin,” ayon kay Harold Sahagun, Post Arrival Repatriati­on Unit Support Staff at OWWA-Laoag Satellite Office.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines