Daily Tribune (Philippines)

TATAY NI TAYLOR SWIFT NANUNTOK UMANO NG PHOTOGRAPH­ER

-

Iniimbesti­gahan ng pulis sa Australia ang umano’y pagsuntok ng tatay ni Taylor Swift sa isang photograph­er sa mukha nang ang bituin at ang kanyang kasamahan ay bumaba sa isang yate noong mga madaling araw ng Martes ng umaga.

“Sinabi sa pulisya na isang 71-taong-gulang na lalaki ang umano’y sumalakay sa isang 51-taong-gulang na lalaki sa Neutral Bay Wharf mga alas 2:30 ng umaga, bago umalis sa lokasyon,” sabi ng tagapagsal­ita ng pulisya na si Alicia McCumstie sa Agence France-Presse.

“Iniulat ng nakababata­ng lalaki ang insidente sa North Shore Police Area Command na naglunsad ng imbestigas­yon ng insidente.

Hindi pinangalan­an ng pulis ang mga sangkot sa insidente, kabilang ang isang pulis na umano’y inatake rin ng matandang lalaki.

Ngunit nagpakilal­a ang photograph­er na si Ben McDonald at tinukoy niya ang nanuntok na si Scott Swift, ayon sa sa Agence France-Presse.

Sinabi ni McDonald na kinukunan niya ng larawan ang Amerikanan­g pop icon sa isang malaking yate sa Sydney Harbor habang nagdiriwan­g siya at kanyang mga tauhan sa huli niyang apat na konsyerto na pare-parehong dinumog ng mga tagahanga.

Ayon kay McDonald, may nagharang ng payong sa kanya habang kinukunan niya ng litrato si Taylor Swift na naglalakad sa jetty patungo sa isang naghihinta­y na sasakyan.

Pagkaalis ni Swift, isang lalaki ang humarap kay McDonald. “Sinutok niya ako sa chops,” sabi ni McDonald sa ginawa ng lalaki.

Unang akala niya ay mga agresibong tagabantay ni Taylor Swift ang nanuntok sa kanya.

“Ngunit tumingin ako sa mga larawan at nakita ko siyang magkahawak­kamay kay Taylor, at ito ay ang kanyang ama,” sabi niya.

Ang isang tagapagsal­ita para kay Taylor Swift ay nagbigay ng salungat na kwento ng pangyayari. Sinabi niyang nagkaroon ng pagtulak at pagsalakay mula sa hindi pinangalan­ang mga tao sa tabing tubig.

“Dalawang indibidwal ang agresibong nagtutulak patungo kay Taylor, sinunggaba­n ang kanyang mga tauhan ng seguridad, at nagbabanta­ng ihagis ang isang babaeng kawani sa tubig,” sinabi ng tagapagsal­ita sa AFP.

Ang kinatawan ni Swift ay hindi nagkomento sa umano’y pag-atake ng ama ng bituin, o tumugon sa mga kahilingan para sa karagdagan­g paglilinaw tungkol sa kung ano ang nangyari.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines