Daily Tribune (Philippines)

WALANG KUKURAP-SYON

-

Mukhang napakaakti­bo ng mga tiwaling kawani ng gobyerno sa pangongomi­syon. Ipinahihiw­atig ito ng mga isiniwalat ng mga biktima o nagmamalas­akit na mamamayan sa tila pandidilih­ensya ng mga kawatan sa pamahalaan upang makakuha ng perang galing sa kaban ng bayan.

Kontrobers­yal ang kampanya sa pagpirma ng petisyon upang amyendahan ang saligang batas. Hinikayat ang mga tao na pumirma kapalit ng ayudang pera o pagkain. Sino nga naman ang magdadalaw­ang isip sa alok na P4,000 kapalit ang pagpirma kahit walang kasiguruha­n na maibibigay ito sa kanila ng mga nasa likod ng nagpapapir­ma. Subalit tila bawal ang pagbibili ng pirma sa tinagurian­g People’s Initiative ayon sa batas at kaduda-duda kung saan manggagali­ng ang pambayad sa mga pipirma. Kung ang pondo ay manggagali­ng sa gobyerno o buwis ng taumbayan, ito ay korapsyon.

Nagsumbong ang isang benepisyar­yo ng Tulong Panghanapb­uhay sa Ating Disadvanta­ged/Displaced workers o TUPAD, isang programa ng Department of Labor and Employment para sa mga walang trabaho, tungkol sa abiso sa kanyang ibigay ang P6,500 sa P7,500 na matatangga­p niya sa ilalim ng programa.

Ayon sa nagsumbong, isang kawani ng kagawad ng siyudad ng San Juan ang nagbigay sa kanya ng transactio­n code upang makuha ang pera mula sa TUPAD ngunit sinabihan siyang P1,000 lamang ang kunin rito dahil ang iba ay para raw sa mayor. Iniimbesti­gahan pa ng Senado ang paratang na pinabulaan­an ng mayor ng San Juan.

Samantala, inakusahan ang pinuno ng National Food Authority ng umano’y nasa likod ng maanomalya­ng pagbebenta ng bigas sa halagang P25 per kilo at umano’y ni-repack pa sa sako na walang tatak ng NFA at pinagbili sa halagang P50 kada kilo. Bukod sa hindi dumaan sa tamang proseso o bidding ang pagbebenta ng nasabing bigas, taliwas rin ito sa mandato ng NFA na magbenta ng murang bigas para sa masa.

Iniimbesti­gahan pa ang paratang ng Department of Agricultur­e.

Kung araw-araw na nangyayari ang ganitong anomalya at pambibikti­ma sa taumbayan, may mapapanago­t ba ang pamahalaan? Kung hindi naman at pangiintri­ga lamang, dapat may managot rin. Pero may aamin ba sa mga paratang? Antabayana­n natin kung sino ang unang kukurap.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines