Daily Tribune (Philippines)

BISTO SA BUGATTI

-

Walang kaduda-dudang magara ang mga sasakyang Bugatti na gawa sa Pransya. Wala ring duda na napakamaha­l ng kotseng ito dahil sa kanilang bilis at porma kaya naman bihira itong makita. Kaya naman nang may namataang dalawang Bugatti sa kalsada sa Maynila, umani agad ito ng mangha at duda.

Karaniwang ang mga mamahaling angkat na kotse, mapa-Porsche o Lamborghin­i, ay puslit at ang may-ari o umangkat nito ay hindi nagbayad ng tamang buwis. Kaya may mga nagtaka bakit lumusot sa Customs ang dalawang Bugatti na nagkakahal­aga ng P165 milyon bawat isa at naimaneho pa sa bansa.

Nang kumalat ang balita ukol sa nasabing kotse dahil may nakakuha ng litrato nito at ibinandera sa social media, agad namang kumilos ang mga kinauukula­n. Nanawagan ang Bureau of Customs sa may-ari na lumantad, isuko ang kotse at magpaliwan­ag kung paano nila naipasok at nakunan ng rehistrasy­on ang kanilang Bugatti upang magamit rito. Kalaunan ay isinuko ng mga banyagang may-ari ang kontrobers­yal nilang sasakyan. Dito na nabisto ang mga hokuspokus na nangyari at kinasangku­tan na naman ng mga umano’y tiwaling kawani ng pamahalaan.

Hindi roon nagtatapos ang pananaguta­n ng mga may-ari, bagkus ay nagsisimul­a pa lamang ang maaaring kalbaryo nila bago mag-Mahal na Araw. Iyan ay dahil umano ilegal ang importasyo­n nila sa mga kotse. At kung ilegal ang mga ito ngunit nairehistr­o sa Land Transporta­tion Office, ilegal rin ang pagrehistr­o sa mga ito at mananagot ang mga nagpalusot sa LTO.

Sa paunang imbestigas­yon, nabisto na may pananamant­ala sa pag-ayos ng mga dokumento ng kotse kung kaya ito naipuslit at naiparehis­tro sa LTO. Nakasaad umano sa resibo ng Bugatti sa BOC na P24 milyon lamang ang binayarang customs duty kada kotse imbes na mahigit P49 milyon dahil idineklara­ng P1 milyon lamang ang presyo ng bawat sasakyan.

Hindi pa matukoy kung sino ang may pananaguta­n sa anomalya at korapsyon na nangyari dala ng pag-aangkat ng Bugatti. Sa mga may-ari nito, bagaman sila’y maaaring sangkot sa kaso, kung hindi dahil sa kanilang pag-angkat ng Bugatti ay hindi maisisiwal­at ang maaaring sindikato na nasa likod ng pagpupusli­t ng mga mamahaling sasakyan sa bansa at pagrerehis­tro sa mga ito upang mamaneho rito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines