Daily Tribune (Philippines)

CARLO BIADO NASUNGKIT ANG WORLD 10-BALL TITLE

-

Nagdagdag ng isa pang tropeo si Carlo Biado sa kanyang koleksyon matapos manalo sa 2024 Predator WPA men’s world 10-ball championsh­ip kahapon sa Rio All Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Estados Unidos.

Ang tatlong beses na Southeast Asian Games gold medalist ay nanalo laban kay Naoyuki Oi ng Japan, 4-1, 3-4, 4-2, 4-1, para angkinin ang kanyang pangalawan­g titulo matapos manalo sa 2024 Universal Chinese Taipei Open nitong Enero.

Hindi naging madali ang panalo ni Biado. Tinalo muna niya si Chang Jun-lin ng Chinese Taipei, 4-2, 4-3, 4-1, sa Last 16 noon bago hinarap at dinispatsa si Ko Pin-yi ng Chinese Taipei, 4-1, 0-4, 4-1, 3-4, 4-1, sa quarterfin­als.

Sa semifinals, pinatalsik ni Biado si Fedor Gorst ng United States, 1-4, 4-3, 4-2, 4-2, para ma-set up ang tunggali kay Oi para sa titulo.

“Nakaka-overwhelmi­ng. Ako ay napakasaya na nanalo ako sa laban na ito. Sa wakas nakuha ko na

ang World 10-Ball championsh­ip,” sabi Biado, na nagbulsa ng premyong $75,000 — o humigit-kumulang P4.2 milyon.

“Nang marinig ko ang pambansang awit, parang (umiiyak) tears of joy ako, sa wakas nanalo ng championsh­ip.”

Nanguna si Biado sa laro, 2-1, at tumaas ng dalawang racks sa ikaapat na set, 3-1. Hindi nagawang umiskor ni Oi sa dalawang bola mula sa break.

Pagkatapos, napilitang tamaan ng Hapon ang isang bola mula sa riles, kaya nagkaroon ng clean shot si Biado para sa pampanalon­g tira.

Bago ang kanyang tagumpay, nag-runner-up finish rin si Biado kay Lee Van Corteza sa Pro Billiards Series Las Vegas Open at nag-uwi ng $14,000 na premyo.

 ?? AL BELLO/GETTY IMAGES VIA AGENCE FRANCE-PRESSE ?? SINUNTOK ni Jake Paul si Ryan Bourland sa kanilang laban sa cruiserwei­ght sa Coliseo de Puerto Rico sa Hato Rey, Puerto Rico noong Marso 2, 2024.
AL BELLO/GETTY IMAGES VIA AGENCE FRANCE-PRESSE SINUNTOK ni Jake Paul si Ryan Bourland sa kanilang laban sa cruiserwei­ght sa Coliseo de Puerto Rico sa Hato Rey, Puerto Rico noong Marso 2, 2024.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines