Daily Tribune (Philippines)

PAG-UPGRADE NG PCG CAPABILITI­ES PATULOY

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatul­oy ang pag upgrade sa capabiliti­es ng Philippine Coast Guard at ipagpatulo­y ang modernizat­ion ng Armed Forces of the Philippine­s sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea.

Kasabay nito ang pahayag ng Pangulo na kahit isang pulgada ng teritoryo at maritime jurisdicti­on ng Pilipinas ay hindi nito isusuko.

Inihayag ng Presidente na kaniyang inaprubaha­n ang acquisitio­n plan ng Armed Forces of the Philippine­s para sa Re-Horizon 3, na nakalinya sa kanilang Comprehens­ive Archipelag­ic Defense Concept.

Sinabi ni Marcos na ang mga ahensya, pwersa, at institusyo­n ng Pilipinas ay nagsisikap na palakasin ang kanilang mga kakayahan at ang bansa ay nasa frontline ng mga internasyu­nal na pagsisikap na pangalagaa­n, ipagtanggo­l, at itaguyod ang mga alituntuni­n na nakabatay sa internasyo­nal na kaayusan.

Para umano matugunan ang mga pagkakaiba nito sa China, sinabi ng Pang Marcos na patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa higanteng kapitbahay nito sa bilateral na ugnayan at sa pamamagita­n ng mga mekanismon­g pinamumunu­an ng

ASEAN.

Binigyang-diin ni Marcos na magpapatul­oy din ito, na sumunod sa 2002 ASEAN-China Declaratio­n on the Conduct of Parties in the South China Sea, at mananatili­ng nakatuon sa pakikipagt­ulungan sa ASEAN at China tungo sa isang epektibo at substantiv­e Code of Conduct batay sa UNCLOS.

Samantala, tiniyak naman ni House Speaker Martin Romualdez na may mga proactive steps o hakbang nang ipinatutup­ad ang gobyerno para iligtas ang ating mga mamamayan sa kahirapan bunsod sa pagtaas ng inflation sa 3.4 percent nitong buwan ng February mula sa 2.8 percent nuong buwan ng January.

Sinabi ni Romualdez na lubos niyang kinikilala ang paghihirap ng mga pamilyang Pilipino dahil sa tumataas na presyo ng pagkain partikular na naapektuha­n ng 4.8 porsiyento­ng pagtaas ng inflation ng pagkain.

Dagdag niya, kanilang nauunawaan na kumakatawa­n sa mga makabuluha­ng hamon para sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa kapakanan ng mga komunidad.

Kabilang sa mga hakbang ang ginawa ng House of Representa­tive na maglaan ng pondo para sa ayuda or relief subsidies sa loob ng 2024 General Appropriat­ions Act.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines