Daily Tribune (Philippines)

RBH NO. 7 PINAGTIBAY SA KAMARA

- Ni Sebastian Navarro

Pinagtibay na ang Committee of the Whole ang RBH No.7 na nagsusulon­g sa pag amyenda sa restrictiv­e economic provision ng 1987 Constituti­on matapos bumuto ang mayorya ng mga miyembro ng Kamara de Representa­ntes.

Pero may limang mambabatas ang hindi pumabor rito – sina ACTS Teachers Partylist Representa­tive France Castro, Kabataan Partylist Representa­tive Raoul Manuel, Gabriela partylist Representa­tive Arlene Brosas, Representa­tive Edcel Lagman at Representa­tive Gabriel Bordado.

Sa susunod na linggo iakyat na ng komite sa plenaryo ang kanilang report dahil target ng Committee of the Whole ng Kamara na mapagtibay sa Miyerkules sa susunod na linggo ang Resolution of Both Houses no. 7.

Ito ang inihayag ni Mandaluyon­g City Rep. Neptali Gonzales II, na siyang tumatayong floor leader ng Committee of the Whole ng Kamara na tumatalaka­y sa RBH no. 7.

Ayon kay Gonzales, naka anim na araw na ang Committee of the Whole sa pagdinig sa economic Cha-Cha.

Aniya, naging mabusisi ang pagdinig kung saan binigyan ng pagkakatao­n ang iba’t ibang ahensya at sektor na ihayag ang kanilang posisyon at testimonya.

Ang RBH No. 6 at RBH No.7 ay naglalayon­g amyendahan ang ilang economic provision sa Saligan Batas partikular ang Articles XII, XIV at XVI.

Ang panukala ng Kamara at Senado ay pagbibigay ng legislativ­e franchises to and ownership (60-40) sa public utilities, ownership of basic educationa­l facilities(60-40) at ownership ng advertisin­g firms (70-30).

Ang iminimungk­ahing principal amendments ang insertion ng phrase, “unless otherwise provided by law” na magbibigay ng kapangyari­han sa Kongreso na alisin o iluwag ang kasalukuya­ng mga paghihigpi­t sa ekonomiya sa batas ng bansa, at ang pagdaragda­g ng qualifier na “basic” sa Articles XlV.

Isinasaad din ng RBH No. 7 at RBH No. 6 ang probisyon ng Konstitusy­on na maaaring magmungkah­i ang Kongreso ng mga susog “sa boto ng tatlong-ikaapat na bahagi ng lahat ng miyembro nito.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines