Daily Tribune (Philippines)

TIKET KO, TIKET MO, TIKET NATING LAHAT

-

Taong 2012 pa nang simulan ng Metro Manila Developmen­t Authority ang singletick­eting system para sa mga traffic violation upang hindi malito ang mga motorista. Mayroon din kasing sariling tiket at patakaran sa trapiko ang iba-ibang siyudad.

Ngunit pinalagan ng mga pamahalaan ng mga siyudad ang STS dahil nais nilang panatilihi­n ang sari-sarili nilang mga patakaran at sistema para sa pagsasaayo­s ng trapiko sa kani-kanilang nasasakupa­n, pati na ang pagpaparus­a sa mga lumalabag sa patakaran nila. Walang pagkakaisa, kanya-kanya.

Ang di pagsang-ayon sa STS ng MMDA ay humantong pa sa Korte Suprema dahil ipinatigil ito ng mga tumututol. Inabot ng 2023 o nakalipas na taon nang magbaba ng desisyon ang Korte Suprema. Ipinatitig­il ng korte ang pagbibigay ng mga lokal na pamahalaan ng resibo sa traffic violation at pagkumpisk­a ng lisensya ng mga motoristan­g lumabag sa batas trapiko.

Sa desisyon nito na inilabas noon pang Hulyo 11 ngunit ngayong linggo lamang inilabas, ipinagbawa­l rin ng Korte Suprema ang mga siyudad na magbigay ng ordinance violation receipt at kumumpiska ng lisensya liban na lang kung sila’y aatasan ng MMDA na gawin ang mga ito.

Katwiran ng Korte Suprema ay mandato ng MMDA ang mga nasabing gawain at nilalabag ng mga siyudad ang nasabing mandato dahil sa pagpilit ng kanilang sariling pagtitiket ng mga motoristan­g lumalabag sa mga patakarang pantrapiko.

Likas sa mga Pilipino ang nagkakanya­kanya sa kung anong dahilan. Marahil ay ayaw ng mga siyudad na mawalan ng kita sa mga multang ipinapataw sa mga traffic violators. Marahil ayaw nilang mawalan ng trabaho ang sarili nilang mga pulis trapiko.

Hindi maikakaila na may mga nangongoto­ng na pulis trapiko at kung wala na silang kapangyari­hang humuli ng mga lumalabag sa batas trapiko ay hindi na sila makakakiki­l ng pangkape sa mga motoristan­g mahilig manuhol.

Mas maigi ang iisang tiket dahil ito ay mas maayos, imbes na iba-iba na mas magulo at nakakalito. Kung ang STS ng MMDA na lamang ang iiral, iisa na rin lang ang pakikitung­uhan ng mga motorista.

Mahirap na nagkakabuh­ol-buhol na nga ang trapiko sa mga daanan sa Metro Manila ay halu-halo rin ang mga sumisita sa mga motorista.

Tama na ang kanya-kanya. Panahon na ng pagkakaisa para sa kaayusan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines