Daily Tribune (Philippines)

MANNY PACQUIAO LALABAN SA SAUDI?

- Ni Nick Giongco

Isang “chance encounter” sa Riyadh ay maaaring magtapos sa pagtatamba­l ni Manny Pacquiao at British banger na si Connor Benn para sa isang super showdown ngayong Hunyo sa Saudi Arabia.

Ang kanyang Kamahalan, Turki Al-Sheikh, isang tagapayo ng Saudi sa Royal Court, ang siyang magdedesis­yon kung magaganap ang matchup na ito o hindi.

Lumikha ng ingay sina Pacquiao at Benn nang magkasalub­ong sila sa opisyal na weigh-in noong Huwebes ng Anthony Joshua laban kay Francis Ngannou heavyweigh­t match.

Nagulat si Sean Gibbons, na dumalo, sa kaguluhang naganap.

“Manny was invited here by His Excellency, Turki Al-Sheikh and he went to the weigh-in and Connor Benn was there and all of a sudden, it was chaos,” sabi ni Gibbons.

“It was like a feeding frenzy. Like the fight was happening and reporters sticking mikes in Manny’s face and they (even) did a faceoff. Like Connor

Benn said, from idols to rivals. Manny Pacquiao has the itch to fight ever since his political campaign ended,” dagdag niya.

Isinusumpa ni Gibbons ang Filipino eight-division legend, na 45, ay hindi umaatras sa pakikipags­agupaan sa 27-anyos na si Benn.

“If the opportunit­y comes up and His Excellency wants the fight. Manny Pacquiao will be ready to go and His Excellency needs to be on board. If it was going to happen, it would be in June,” sabi ni Gibbons.

Nagretiro si Pacquiao sa sport noong huling bahagi ng 2021 matapos matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba sa Las Vegas at may 62-8-2 record na may 39 knockouts.

Lately, regular na siyang nagwo-work out para ipakita na nasa kanya pa rin ang moves at motivation.

Si Benn, anak ng dating world middleweig­ht champion na si Nigel, ay may 23-0 card na may 14 knockouts.

May mga ulat na gustong makita ni Pacquiao ang isang deal sa oras na siya ay bumalik sa Manila.*

Newspapers in English

Newspapers from Philippines