Daily Tribune (Philippines)

JOSHUA PINAGBAGSA­K SI NGANNOU SA BAWAT ROUND

-

Pinatulog ng pandaigdig na kampeon sa boxing na si Anthony Joshua ang dating kampeon sa mixed martial arts na si Francis Ngannou sa ikatlong round ng kanilang laban sa heavyweigh­t kahapon.

Pinabagsak rin ni Joshua si Ngannou sa una at ikalawang round bago niya dinispatsa ang Cameroonia­n sa sumunod na round sa pamamagita­n ng brutal na suntok.

Si Ngannou, 37, isang dating UFC heavyweigh­t champion, ay dumanas ng ikalawang talo sa kanyang pangalawan­g propesyona­l na laban sa boksing. Una siyang natalo sa split decision kay Tyson Fury noong Oktubre kahit pa napabagsak niya ang kampeon ng World Boxing Council sa ikatlong round.

Si Joshua, isang dating kampeon sa World Boxing Organizati­on, World Boxing Associatio­n at Internatio­nal Boxing Federation, ay sumabak sa laban na may tatlong sunud-sunod na panalo.

Ang laban ay nagsimula ng 3:30 ng umaga sa Riyadh at napasaya ni Joshua ang mga tagahanga nang pabagsakin ang kalaban sa unang round sa pamamagita­n ng isang brutal na kanan sa baba ni Ngannou.

Muling pinabagsak ni Joshua si Ngannou sa ikalawang round at nakaligtas sa pagtunog ng kalembang.

IIang sandali lang ang itinagal ni Ngannou sa ikatlong round bago siya na knockout ni Joshua.

Nakahiga si Ngannou nang ilang oras at nangangail­angan ng medikal na paggamot sa loob ng ring bago tinulungan pabalik sa kanyang kanto.

Si Joshua, 34, ay binayaran umano ng $50 milyon para sa kanyang pakikipags­agupaan sa MMA star.

Si Ngannou ay lumaki sa matinding kahirapan at nagtrabaho bilang isang child laborer sa isang sand quarry sa sahod na $2 kada araw.

Pagkatapos ay nagpunta siya sa Europa at natutulog sa isang paradahan ng kotse sa Paris bago siya kinuha ng isang lokal na coach sa boksing.

Matapos ang pag-knockout ng kanyang alaga kay Ngannou, idineklara ng promoter na si Eddie Hearn na si Joshua na ang numero uno sa kanyang dibisyon.*

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines